"Bestfriend na nga yata tayo." Natawa si Creza habang nakatitig sa kawalan. Kyle chuckled too and then rested his head on the couch. Nakasalampak sila ngayon sa sahig at nakasandal sa sofa. May naka-play na movie sa smart tv. Ni hindi na nga alam ni Creza kung tunkol saan at kung ano ng nangyayari roon sa movie. Click lang naman kasi siya nang click kanina noonh ni-on nila yun. "Tss. Yeah I think so, too. Thanks by the way," ani Kyle. Ngumiti siya at binalingan ang katabi. "Sus. Wala yun." Ginulo niya ang buhok nito. Kyle chuckled again. "Libre kita mamaya," sabi pa nito. Natawa na lang ulit siya at napatingin sa wallclock ng sala. Ala-una na ng madaling araw at kagabi pa sila nakasalampak doon sa sahig at pumapapak ng popcorn at iba't ibang mga chichirya. Bumuga ng hininga si