"Good morning…" Nagising si Creza nang may humahalik sa kanyang mukha. Pinupugpog siya nito ng mararahang halik sa mga pisngi at saka sa kanyang leeg. "Hmm," ungol niya nang makiliti siya nito. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng salarin at ang mainit nitong paghinga sa kanyang leeg. Marahan niya itong tinulak at saka siya tuluyang nakabangon. "Morning," Shan greeted again. Bumuntong-hininga si Creza at tiningnan ang lalaki. Nakangiti ito sa kanya. Hindi siya sumagot. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at dahan-dahan siyang niyakap mula sa likod. "I miss you, Crez," sambit nito at hinalikan ang kanyang balikat. Huminga siya nang malalim at sinulyapan ang wall clock sa kanilang kwarto. "Kailangan ko nang magbihis," sambit niya at dahan- dahang kinalas ang yakap nito sa