Hindi alam ni Creza kung anong oras siya natapos sa pag-iyak. Ang tanging nararamdaman niya na lang ay ang bigat ng kanyang talukap at ang hapdi ng kanyang dalawang mata. Sumisikat na ang araw pero hindi pa rin siya gumagalaw sa kanyang kinahihigaan. Maging si Kyle ay hindi rin gumagalaw. Nakaunan siya rito at nakatagilid siya. Ang likod niya ay nakay Kyle at nakaharap siya sa TV. Rinig na rinig niya ang malalalim na hininga ni Kyle at ramdam din niya ang paghagod ng kamay nito sa kanyang buhok. "So, aren't you gonna work today?" Dinig niyang tanong ni Kyle. Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatanaw sa kawalan. Ramdam niya ang pagtitig ni Kyle sa kanya. Patuloy lang din ang paghagod ng kamay nito sa kanyang buhok. Bumuntong-hininga ito. "You know, if you don't want to get