Nagdaan ang mga araw at kung hindi sa trabaho ay sa bahay lang ang naging routine ni Creza. Wala rin naman kasing bago sa set up nila ni Shan. Naiintidihan niya naman ang ka-busy-han nito. Palapit nang palapit na rin kasi ang graduation ng med school. Ilang buwan na lang at MD na rin ito. Panay na rin ang tukso nina Jane sa kanya tungkol doon. Iniirapan niya lang ang mga ito. "Hey, you ready?" Agad siyang napalingon nang marinig si Kyle. Nasa hamba na ito ng pintuan ng kwarto nila ni Shan. Bumuntong-hininga siya at sinukbit ang kanyang bag. Kinuha niya rin ang mga folders na dala niya tapos ay naglakad na palabas. "O," sabi niya pagkalagpas niya kay Kyle at ibinigay ang mga folders. Simula noong nag-offer itong maging driver niya, ginawa niya na rin itong alalay. Wala rin namang