Extended ang medical mission at extended si Shan doon. Sa totoo lang hindi niya talaga alam kung bakit nito gugustuhing manatili sa bayan nila at wala rin naman kasi siyang magagawa roon. Pagkatapos ng tagpo nila sa may plaza ay halos araw araw na nagpupunta si Shan sa kanila at kung minsan pa nga ay ito na ang sumusundo kay Kristoff sa eskwela. "Hindi ka pa ba talaga uuwi sa Manila?" tanong niya rito isang gabi na nag-uusap sila sa harapan ng bahay niya. Tumambay na naman ito sa bahay ng mga magulang niya at nakipagkwentuhan muna sa kanya nang makarating siya mula sa trabaho. Nagkibit-balikat ito at saka ngumiti sa kanya. "It's just tiring to travel back and fort, Crez. So might as well stay here," sabi pa nito. Bumuntong-hininga siya at tinitigan ito. Sinalubong din ni Shan ang