It's like they're back to zero. Iyan ang naging pakiramdam ni Creza sa sitwasyon nila ni Shan. As in back to zero talaga na para bang noon lang sila nagkita at wala talaga silang history. Never nilang napag-usapan ang mga nangyaring gulo sa pagitan nilang tatlo ilang taon na ang nakalipas. It was like it's all new. It's like they are all new and everything was new as well. Para lang silang bagong mga tao na gumagawa ng panibagong mga alaala nang magkasama. Well they do reminisce at some point pero yung mga happy moments lang nila noong college nila na kung saan mag-bestfriend pa lang sila. Well, she's fine with that. Very fine actually. "Crez, patulong naman sa mga supplies," nakangusong sabi ni Nina sa kanya nang magkasabay sila sa hallway ng barangay hall. Napairap siya at saka b