Isang maaliwalas na linggo noon. Sikat na sikat ang araw pero sobrang lamig naman ng hanging tumatama sa balat ng mga nagta-trabaho. Isang tricycle ang huminto sa harapan ng establisyementong tinatrabaho ng mga trabahador. Lumabas doon si Creza sukbit sukbit ang kanyang tote bag at yakap yakap ang isang expanded envelope. Kasunod niyang lumabas ang kanyang kaibigang naka-sunglass pa at naka-heels. Feel na feel nitong hinawi ang buhok na nililipad ng hangin. Kulang na nga lang ay mag-pose ito at may mga kamerang pumwesto sa harapan at magmumukha na itong nasa isang photoshoot ng Vogue Magazine. Napailing na lang si Creza habang sinusulyapan si Jane. "Talagang naka-long dress ka rito sa site, ha. Wala ka sa beach, sis. Ang alikabok pa rito," komento niya. Agad na tumigil sa pag-a-awr