Tahimik na nakasunod lang si Creza kay Dr. Cruz habang papasok sila ng barangay hall. Hindi niya alam kung saan sila papunta pero agad din naman iyong nasagot nang huminto sila sa harapan ng conference room kung saan nagpapahinga ang mga doktor. Yun ang nagsisilbing lounge nila habang nag me-medical mission. Wala pa ring nagsasalita sa kanila hanggang sa makapasok sila sa loob. Nakasalubong pa nga nila si Kagawad Nelly na palabas din. Nginitian niya na lang din ang kagawad at saka sumunod kay Dr. Cruz. Hindi pa rin nagsasalita ang kasama niyang doctor. Pinagmasdan niya na lang ito na may kinukuha sa bag nito. 'Ano naman kayang gagawin namin dito?' Napabuntong-hininga siya. Umayos ng tayo si Dr. Cruz tapos ay umupo sa isang upuan. Ikinalat naman ni Creza ang tingin sa buon conference ro