"Sis! Dalian mo, maaga call time natin ngayon!" Isang irap ang isinagot ni Creza sa pinsang si Raine na minamadali siya. "Teka nga lang!" sabi niya pa at inayos ang buhok ng anak. Sinapo niya ang mukha ni Kristoff. "O, wag magkukulit ha? Babalik din naman ako mamaya." Nginitian niya ito at saka pinugpog ng halik sa pisngi. "Opo, mama. Alam ko po." Napataas na lang ang kilay niya sa sinabi nito. Bahagya siyang natawa at napailing na lang. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at ginulo ang buhok ng anak. "Sige na, tara na at mali-late na rin ako." Hinawakan niya ang kamay ng anak at saka sila lumabas ng bahay. Sumalubong sa kanya ang nakapamewanag at nakabusangot ng si Raine. "Tagal sis ha!" reklamo pa nito. Umiling na lang siya at saka hinatid ang anak sa bahay ng mga magulang niya