"Goodluck! Love you! Keep slaying!" Nakangiting kumaway si Creza sa kanyang cellphone bago in-end ang tawag. It's just a normal day at as usual ay maagang nagising si Creza para sa trabaho. Nagkataon lang na mamaya pa ang duty ni Shan sa hospital kaya natawagan siya nito. Medyo matagal na rin simula noong nagsimula ito ng residency at as expected niya, mas naging busy ito. Unlike kasi sa kanya, wala itong specific time frame lang na katulad ng trabaho niya. Pag day off naman nito, sinasabihan niya lang itong magpahinga na lang. Hindi man siya doktor alam niya at kitang kita niya ang pagod nito lalo na sa tuwing on-call ito. Minsan nga pag nagvi-video call sila ay nagiging ringtone na nila yung pager ni Shan. Sa ina pa rin kasi nito ito nag-si-stay. Ang sabi naman nito sa kanya ay kon