Walang tigil sa pag-iyak si Creza habang nakatitig sa katiting na pera sa kanyang wallet. Huminga siya nang malalim at saka kinuwenta iyon. Nasapo niya na lang ang kanyang ulo nang makitang ilang sentimo na lang ang kanyang cash doon. Lumunok siya at saka kinalma ang kanyang sarili. Iginala niya ang kanyang tingin sa buong paligid. Nasa loob siya ng kwarto nila at nakasalampak sa sahig. Hindi niya alam kung nasaan si Kyle at wala na rin naman siyang pakialam kung nasaan pa ang isang iyon. All she cares right now is to get the freaking out of the place. Parang sasabog ang kanyang dibdib sa mga nangyayari ngayon na gusto niya na lang talagang umalis. Nanginginig na kinuha niya ang kanyang cellphone sa may bedside table ng kama. Sumisinghot siya habang hinahanap ang number ni Jane. S