Tulalang nakatitig si Creza sa hawak niyang maliit na notebook. Halos hindi na siya makahinga habang tinitingnan ang kwentada niya ng mga gastusin nila. Nasapo niya na lang ang ulo habang tinititigan ito. Ilang linggo ng hindi pumapasok si Kyle. Lumalabas naman ito at naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naman ito nakakahanap. Paubos na nang paubos ang kanyang ipon sa bangko. Pinoproblema niya pa ang kanyang pamilya na panay na rin ang tawag at tadtad na rin siya ng text. Bumuga siya ng hininga at saka napasandal na lang sa likod ng upuan. Naka-indian sit siya ngayon sa sofa at hawak hawak ang kanyang tiyan. Sinulyapan niya ng tingin si Kyle na nakaupo lang din sa may hapagkainan nila. Nagkakape ito at may pinapanood sa cellphone. Bumuntong-hininga siya at