Dumating ang burol ng tito ni Shan. Linggo noon at alas-dose ang misa. Ala-una naman ang libing. Bandang mga alas-nuebe gumising si Creza at naghanda. Nagkatawagan pa sila ni Shan bago siya naghanda. "Hey, paalis na kami maya-maya lang. Sa simbahan na lang tayo? Sasabay ako sa inyo ni Kyle papuntang sementeryo," ani Shan sa kanya. Ngumuso siya at nilagay ang napiling damit sa kama. "Hmm sige. Okay lang naman to no?" tanong niya pa at ipinakita ang kanyang damit. Tumango-tango si Shan at nag-thumbs up pa. "Okay. Sige, prepare lang ako," aniya rito at in-off na ang facetime. Nilagay niya muna sa bedside table ang kanyang cellphone tapos ay dumiretso na sa banyo. Mabilis lang siyang naligo tapos ay nagbihis na rin. Isang simpleng white dress na long sleeves lang ang suot niya. Pl