Days passed by at halos araw araw ng kasama ni Creza si Kyle. Palagi rin kasi siyang hinahatid nito sa trabaho. Sinusundo rin siya nito palagi sa trabaho. Sobrang lakas siguro talaga ni Shan dito at hindi nito matanggihan ang request ng boyfriend niya na ihatid sundo siya habang ito ay kasama ang ina sa burol. Sa linggo na rin naman ang libing ng tito ni Shan kaya malamang makabalik na rin ito. She sighed and stared at her cellphone. Iyong yung conversation nila ni Shan. Matutulog daw muna ito at galing pa itong shift aa hospital. 'Nakakamiss din ang isang iyon,e.' Ngumuso siya. Hindi na sila nagkikita ng personal dahil conflict sa oras nila. Hanggang text text at tawag na lang muna sila. Ibinaon na lang niya ang sarili sa trabaho para kahit papaano ay ma-distract naman siya. She sig