Banas pa rin si Creza sa nangyaring aberya sa date nila ni Shan pero wala rin naman siyang magawa kaya ginugol niya na lang ang buong atensyon sa mga paperworks na dapat niyang gawin. Di pa niya nati-text si Shan kung sabay silang magdi-dinner dahil naging abala rin siya. Nang mag-alas tres ay sabay sila ni Jane na pumunta ng pantry para magkape. Doon lang niya nabuksan ang cellphone kaya agad niyang ni-text si Shan. To: Baby Sabay tayo mag dinner? "Ang sweet naman talaga ng contact name o!" Inirapan niya si Jane at agad na inilayo ang cellphone. "Chismosa!" balik niya rito na tinawanan lang nito. Napailing na lang siya at ipinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape. Tiningnan niya ulit ang kanyang cellphone pero wala namang reply si Shan sa kanya. Nagkibit balikat na lang siya at bumal