Hindi malaman ni Creza kung paano niya pakikitunguhan si Kyle kinabukasan. Halos hindi siya makatulog kaiisip ng nangyari kagabi. Bumuntong-hininga siya at tiningnan ang orasan sa may bed side table. Nilingon niya si Shan na humihilik pa rin. Umupo siya sa kama at bahagyang tinapik tapik ang pisngi ng boyfriend. "Shan, gising na. Shan." "Hmm," tanging sambit nito at agad na yumakap sa kanya. "Shan, ano ba. May duty ka ngayon," paalala niya rito at pilit na tinanggal ang braso nitong nakadantay sa kanyang tiyan. "Shan, bangon na kasi." "Hmm. My head is aching." Hinapit siya nito at isinubsob pa ang mukha sa kanyang dibdib. Napairap siya. "Yan kasi. Kung bakit ba kasi nademonyo ka ng kaibigan mong iyon kagabi, ha? Alam mong may duty ka ngayon. Uminom at naglasing ka pa talaga," sh