Hindi pa rin mapakali si Creza pagkarating niya ng opisina. Hindi niya maintindihan kung bakit nagre replay sa utak niya ang nangyari noong gabing lasing si Kyle. Hindi niya rin maintindihan kung bakit nga ba iyon paulit ulit e hindi naman alam nung tao. That should not be a big deal. Ni hindi nito maalala kung anong ginawa. Dapat hindi big deal sa kanya iyon. 'Ugh. Creza naman! Ano ba iyan! Lasing iyon! Hindi alam ang ginagawa! Ano ka ba naman!' Ipinilig niya ang ulo at saka bumuntong-hininga at naglakad papuntang elevator. Hindi niya na talaga dapat iniisip iyon! Tapos na nga, e. Tapos na iyon! Bumuntong-hininga siya at agad na kinalma ang sarili. Mabilis siyang lumabas ng elevator at saka pumasok sa kanyang cubicle. Ipinokus niya ang atensyon sa kanyang mga gagawin para lan