Ilang araw ang lumipas at ilang araw na ring nagmumukmok sa bahay si Creza. Naka-sick leave siya at talagang literal na hindi lumalabas ng bahay. Bukod sa wala lang talaga siyang gana sa mga nangyari ay ayaw niya na munang makarinig ng kung anong chismiss mula sa mga chismosa nilang kapitbahay. Wala pa kasing isang oras ay halos kalat na naman sa buong bayan nila ang nangyari sa medical mission at ang sa pagiging kabit niya raw. Halos madurog ang kanyang puso nang makita ang dissapointed na mukha ng mga magulang niya nang makarating sa mga ito ang balitang iyon. Halos buong araw siyang umiyak nang umiyak at ni hindi makapagsalita nang tinatanong ng kanyang mga magulang. Mabuti na nga lang at nandoon sina Nina at Raine para sabihin sa mga ito ang mga nangyari. Halos sugurin nga ng mga