Sinalubong nila ang mga anak sa airport. Ayaw sana ni Sofia dahil hindi naman talaga niya sinusundo ang mga ito mula pa noon. Subalit ang asawang si Jade ay ayaw pumayag. At paglabas pa lamang ng mga anak ay halos madapa pa ito sa pagsalubong. Isa isang niyakap ang mga anak at pinag hahalikan pa. “Miss na miss ko kayo mga anak.” hindi alam ni Jade kung normal ba sa kagaya niyang ama ang ganoon na reaksyon. Subalit siya ay sabik na sabik sa mga ito dahil pakiramdam niya ay ngayon pa lang siya makakabawi sa mga anak. “We miss you too Dad, kumusta po?” agad na sagot ni Josh. Masaya siyang okay na ang kanilang ama. “Ayos naman ako anak, kakabalik lang namin ng Mommy nyo last two weeks ago.” “I miss you Dad,” mahigpit na yumakap si Soffy sa ama. “I miss you too, my baby Samantha.” Napaiya