“Josh sa mansion daw tayo sabi ni Kuya Dave.” naalala niya bigla ang asawa kaya’t tinawagan ito. “Honey, where are you now?” “Narito ako sa bahay sweetheart, bakit?” “N-nothing honey, just stay there and don't go out. Dadaan lang kami sa mansyon para kausapin si Dad at Kuya Dave.” “Okay sweetheart, take care.” nang nawala sa linya ang asawa ay parang may kaba na biglang pumipitik sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung para saan iyon ngunit unti-unti na rin siyang nilukoban ng takot sa hindi malamang dahilan. Pagdating nila sa mansion ay agad siyang tinawag ng kapatid papasok sa library. At habang isa-isang kinukwento sa kaniya ng ama ay naguguluhan siya. Pinipilit na alalahanin ang bawat detalye ngunit wala talaga siyang matandaan. “D-dad, totoo po ba ang mga sinasabi mo?” “Anak,