Thalia's Point Of View* Papunta na kami ngayon sa mansion at naka discharge na si Dem. Sabi naman kasi niya na ayos lang daw siya at ang sabi ng mga Doctor ay maliit lang daw ang nga galos niya at walang mga bali o malalaking sugat at wala ding nangyari sa ulo niya dahil may balloon naman sa harapan nung pag bangga niya. Nakahawak ako sa kamay ni Dem at kanina pa talaga hindi niya binibitawan ang kamay ko. Nakayakap ako sa braso niya habang hawak pa din niya ang kamay ko. Nasa sasakyan kami at kasama ko sa sasakyan si Dem. At ang mga magulang ko naman ay nasa kabilang sasakyan. Muntik pang magtalo kanina dahil sa kanila daw ako sasakay pero sinabi ko na sa sasakyan ni Dem ako sasakay. May driver naman siya. "Sigurado ka bang walang masakit sayo?" "Wala." Isinandal niya ang ulo niy

