Thalia's Point Of View* "D-Dem..." Nagtataka na tawag ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin at napatingin din siya sa paligid. Parang pina process pa sa isipan niya kung ano ang nangyayari ngayon dito at kung nasaan ba talaga siya. "My Wife, nasaan tayo ngayon? Ang huling alaala ko ay binaril ako ng Phovious na yun sa lab ni Philip at napatay niya ako." Napatakip ako sa mukha ko at napaiyak. Sumunod na din siya dito. Di ko alam kung paano pero akala ko inilagay ni Philip doon na mawawala ang alaala namin pero may alaala pa din ako at ganun na din si Dem. Ano bang nangyayari sa time machine? Nasira ba? Wala naman akong natatandaan na may napindot ako do-- si Xandra ang pina asikaso ko doon. "Wife, what happened? Tell me." Niyakap niya ako ngayon. Yung yakap na di ka niya iiwan

