Thalia's Point Of View* Marami na kaming pinagkukwentuhan ni Xandra tungkol sa dating pamilya namin. "Pero paano naman kayo nagkaka developan ni Philip?" "Uhmm, nung sabay kaming nagtraining sa training school ni Tito Zandro." "Naalala ko na sinabi mo din noon na may gusto ka sa lalaking kasama mo sa training noon. Teka si Philip pala ang lalaking yun! Bata ka pa nun ha at may pa crush crush ka ng nalalaman ha." "Ha? Ah eh... wag mong sabihin kina Dad at Mom." Natawa na lang ako. "By the way bakit mo sinabi na akala mo kami ni Demetrius ang magkakatuluyan? Ang weird mo twin ha. Hindi pa nga kami magkakilala nung buhay ka pa." Paano ko ba sasagutin ang tanong na yun? "Uhmm, ang kilala ko lang Henderson noh ay si Demetrius. Malay ko ba na may Philip pa pala. Kaano ano ni Dem yung

