Thalia's Point Of View* Makalipas ang Sampung minuto ay dumating na si Bobby at kasama ang mga Bodyguards niya. "M-Milady, pasensya na po sa ginawa ni Sir Dem." "Ayos lang. Please paki tanggal na ako dito. Namamanhid na ang katawan ko eh." "Ah, opo!" Agad naman nila akong inanalayan hanggang sa tuluyan na nila akong matanggal sa pagkakayakap ni Dem sa akin. "Ngayon ko lang nakitang natutulog ng mahimbing si Sir Demetrius." Natigilan ako sa sinabi niya. "Bakit? Teka nahihirapan ba siyang matulog?" Dahan dahan naman siyang tumango. "Yes po. Nakasanayan na po niya at may insomnia po siya. At umiinom na lang po siya ng sleeping pills." Di ko maintindihan! Diba ang pagkawala ni Xandra lang ang dahilan kung bakit siya nagkaka insomnia? Anong nangyayari? "Milady?" Napatingin ako sa

