Thalia's Point Of View* Matapos ang halikan namin ay napatingin ako sa mga tao nandidito ngayon na nagpapalakpan at binigay naman sa akin ang bulaklak at inamoy ko naman iyon at ang bango nun at kinuha niya ang isang necklace sa loob ng regalo at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang bato na naka attach sa kwintas. "Dem, ang kwintas na yan. Sabihin mo na sa night market mo lang binili yan diba?" kinakabahang ani ko sa kanya. Natawa naman siya habang nakatingin sa akin at mahinang pinisil ang ilong ko. "Totoo ang nakikita mo. This is a pink star diamond." "Dem, diba mahal ang pink diamond?" "Mahal?" napakunot ang noo niya. Bakit ko nakalimutan na hindi coins lang sa kanya ang perang hawak niya ngayon? "Kung para lang sayo ay ibibili ko talaga dahil ikaw ang pinaka importante