Thalia's Point Of View* Nakahawak pa din sa kamay ko si Dem at naghalo halo na ang emosyon ko ngayon. Pangangamba at pagpapawis ay ramdam ko na. Walang emosyon ang mga magulang at kapatid ko at mukhang hinding magandang pakiramdam yun para sa akin. Ayokong dumating sa puntong magpipili ako kung sino ang kakampihan ko. Ayokong mangyari iyon. I want them both. Ngayon ko lang nakilala at nakasama ang pamilya ko at ngayon ko lang din naamin na mahal ko ang lalaking katabi ko. Ayokong mamili sa kanilang lahat. Di ko namalayan na tumulo ang luha ko na kinahikbi ko. "Eh! Princess!" gulat na tawag nila sa akin. "Lia, bakit ka umiiyak?" nag aalalang ani ni Dem sa akin. Napatingin ako sa kanya at sa Pamilya ko. "Ayokong pumili. Ayokong mamili sa inyong lahat. Ngayon ko pa lang kayo nakasam