Thalia's Point Of View* Nakatali ngayon si Matias at nasa gilid naman niya ang Fiancee naman niyang si Glee. Nandidito kami ngayon sa labas ng interrogation room. At hindi nila kami makikita dito sa labas dahil may salamin na pagitan sa amin. Sa kanila ay normal na salamin lang pero kami nakikita namin sila sa loob. "Nasaan si Thalia! Kailangan ako ni Thalia! Bakit niyo siya kinuha sa akin! dammit! Let go of me! Thalia, nasaan ka." Nakikita ko ang totoong galit sa mukha ni Glee habang nagsisigaw doon. Hinawakan ko ang kamay ni Dem habang nanonood pa din doon. Grabe ang pagka possessive ni Glee sa akin. Alam ko na noon pa man na marami nang gustong umangkin sa akin dahil sa kagandahan ko pero habang tumatagal natatakot ako dahil baka bigla na lang may gagahasa sa akin o kikidnappin ako.

