Thalia's Point Of View* Natapos din ang pangyayaring iyon. Si Matias ay nakakulong na sa Mafia Kingdom. Oh diba? May ganun pa pala sila? Tapos si Glee naman ay nasa Mental Hospital at nagpapagamot pa siya at mabuti naman according sa update ay cooperative naman si Glee at masaya na ako sa bagay na yun. Naka cuddle ako ngayon kay Dem at nasa balcony kami ng kwarto namin. May sofa kasi dito at nakayakap ako sa kanya habang may kumot kaming dalawa. Natutuwa ako sa mga bituwin na nakikita namin sa langit. Nararamdaman ko na hinahaplos ni Dem ang buhok ko habang ako naman ay nakatingin pa din sa kalangitan. "Are you happy now, my Wife? Isa na naman sa mga mission mo ang natapos at yun ay ang sa kaso ng matalik mong kaibigan noon." Napangiti ako at tumango. "Yes, masaya ako pero nalulungk

