3rd Person's Point Of View* Malakas na umiiyak si Thalia habang nakatingin sa dugo na nasa sahig na ngayon at meron din sa paa niya. Hindi na niya iniinda ang sakit sa pagitan ng binti niya dahil mas masakit pa ang puso niya ngayon. Biglang nagsilabasan ang mga tauhan ni Phovious. "Kung hindi mo kayang patayin ang babaeng yan ay gagawin ko ulit ang ginawa ko sayo noon para patayin mo din ang babaeng yan." Naalerto naman sila sinabi nito. "No need to do that," walang emosyong ani ni Philip sa Ama nito na kinangiti naman ng Ama nito. Napatingin naman si Philip kay Thalia na umiiyak pa din. Hindi naman sila makakalabas dahil pinalilibutan sila ngayon. Kinasa naman ni Philip ang baril niya an kinatingin naman nila Daiki at Kaito at agad silang pumagitna kay Thalia. "Kaya mo naman pal

