3rd Person's Point of View* Napamulat si Thalia at napatingin siya sa isang pamilyar na garden at nakahiga siya ngayon sa picnic carpet at maraming pagkain ang nandidito ngayon sa tabi niya. Napatingin siya sa kamay niya at nanlalaki ang mga mata niya dahil bata iyon. Napahawak siya sa mukha niya at doon niya narealize na bata nga siya ngayon. Dahan dahan siyang tumayo at napatingin siya sa isang fountain kaya agad siyang lumapit doon at tiningnan niya ang reflection sa tubig at nanlalaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino talaga siya ngayon. "Twin! Xha-Xha!" Natigilan naman siya at dahan dahan na napatingin sa likod niya at nakita ang batang si Xandra na kamukhang kamukha niya. Kumaway naman ito sa kanya at agad naman itong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya ng mah

