Thalia's Point Of View* Nandidito kami ngayon sa opisina ni Dem at tinimplahan ko sila ng Tea para na din kumalma na din ang lahat. "Sana po magustuhan ninyo ang tea," nakangiting ani ko sa kanila. Nasa harapan namin ni Dem ang mga magulang ni Xandra at inamoy naman nila ang tea at tinikman. Napapikit silang dalawa at napangiti ako dahil ramdam ko na kumalma na sila. Hinawakan ni Dem ang kamay ko. "Dem." Napatingin kami sa Ama ni Xandra na si Mr. Alexander at ang ina naman nito ay si Cassandra. Kaya pala Alexandra din ang Asawa dati ni Dem. "Yes po." "Masaya ako para sayo dahil nakahanap ka na ng babaeng nagmamahal sayo ng tunay. Ayaw din namin na makulong ka sa nakaraan na si Xandra lang ang minahal mo at ayaw din ng anak namin na maging malungkot ka hanggang sa huling hininga