Thalia's Point Of View* 'Imperatore della mafia.' Mafia Emperor? Yun ang ibig sabihin nun. Teka lang bakit may ganito sa lamesa ni Dem? Mafia... oh my God! Napakagat ako sa labi ko at sinira ko ulit ang drawer at lumakad ako papunta sa sofa at napatingin ako sa cookies na nandodoon. Napakagat ako sa kuko ko dahil sa tense na nararamdaman ko ngayon. Napapanood ko lang sila sa mga movies noon pero ngayon ay nasa harapan ko ang Mafia Boss! Naalala ko yung pinanood kong Vicenzo. Oh my! At ngayon Boyfriend ko ang Mafia. Maghunos dili ka, Thalia. Hindi pa naman sure na sa kanya yun diba? Baka inilagay lang niya diyan... pero hindi eh! Ang singsing ng Mafia Emperor? Bakit nandiyan? Ano yun trip lang na ilagay niya diyan? Tapos kanina yung sinabi ni Alesya na si Xandra ay isang yakuza Pr