Thalia's Point Of View* Tumulo ang luha ko ngayon nung malaman ko na talaga ang mga nangyayari na ikakasal na talaga kami ni Dem. Agad kong narinig ang love music habang dahan dahan akong naglalakad hawak ang bulaklak na nasa kamay ko at nakikita ko din na umiiyak ang pamilya ko habang nakatingin sa akin. Ngayon ko lang napansin na nandidito ang mga magulang namin at kaibigan at wala ng iba. Napa agree niya ang mga magulang ko sa kasal na ito? Hindi naman sa ayaw ko pero waaa napaka aga ng kasal namin sa edad ko ngayon! Pero wala namang problema dahil sekreto pa naman. At maganda na din ito para maputol na ang relasyon na nakatadhana sa amin ni Xander. Naglalakad pa din ako hanggang mahinto ako sa gitna at dahil nandodoon ang mga magulang ko na naghihintay sa akin. "You're so beautif