NATIGILAN si Karrim sa sinabi ni Fan sa kanya. May anak pa ito sa ibang lalaki? Nakaramdam siya pagngitngit sa isiping may ibang Alpha ang unang naka angkin dito. Hindi na niya dapat pang intindihin iyon dahil parti na lang iyon ng nakaraan. Pigil ang galit na tipid niya ito nginitian. For the sake of his child. "Okay, gagawin ko ang gusto mo." sabi na lang niya. Bahagyang umaliwalas ang mukha nito. "May usapan kami ni Dad. May pinagawa siya sa'kin at nagawa ko naman, pero hindi pumayag si Fin na siya lang ang makukuha ko, gusto niyang silang dalawa ni Marri ang kukunin ko." Napatiim bagang siya. "Anong pinagawa sayo ni Takanashi na ginawa mo?" Nayuko ito. "Look, tatanggapin ko ang parusa na ibibigay mo sa'kin—" "Ano 'yung pinagawa niya sayo?" Sandali itong nag-atubiling sumagot. "B