MABILIS na nagmulat ng mga mata si Fan nang makarinig siya nang sunod-sunod na pagsabog. Bahagya siyang nangiwi nang kumirot ang likod niya sa biglang paggalaw. Marahan siyang bumangon para kunin ang baril niya mula sa kabinet niya. Mabilis siyang nagtago sa gilid ng bintana nang may anino siyang namataang dumaan. Buti na lang naka patay lahat ng ilaw sa kwarto niya kaya malaya pa siyang nakakakilos. Nang mawala ang anino ay mabilis niyng kinapa sa nightstand ang earpiece niya, nang mahanap niyabiyon ay agad niyang sinuot. "Someone over." anas niya, pero wala pang nagre-response. Walang ingay na humakbang siya papunta sa pinto. Pinapakiramdaman kung may paparating ba. Nang wala siyang marinig mula sa labas ay walang ingay niyang binuksan ang pinto at humakbang palabas. "Someone over."