Chapter 4

1885 Words
"Where are you going? Dinner date?"  Pinasadahan sya ng tingin ng kanyang mommy mula ulo hanggang papa. Suot suot nya ay isang Blue plain dress na hanggang tuhod na at isang 3 inches white heels, inayos nya ang mini should bag nya na kulay puti.   "Susunduin ka ba dito?" tanong pa nito. "No." mabilis na sagot nya. "Why? Are you afraid?" tinaasan nya ng kilay ang mommy nya. "This is not dinner date and i don't have a date. At wag mong sirain ang gabi ko, pakiusap lang." madiin na sabi nya. "Tanga ba ko? Sino kasama mo? Kaibigan mo na hindi pa alam ang tunay mong buhay? Bakit di ka na nakikipag date?" tumawa pa ito sa kanya. "Takot ka bang iwanan ulit dahil lang sa katotohanan?" Akmang lalagpasan nya to pero agad nito hinawakan ang kanyang braso. "Hindi ka magiging masaya tulad ko, Ayana. Tadaan mo 'yan." Unti unti na syang lumambot at tumulo ang luha nya. Tuloy tuloy ang pag agos ng luha nya dahil sa sinasabi nito. Alam na alam nya 'yun, alam na alam nya na sya ang sumira sa buhay ng mommy nya. Kaya wala syang dapat karapatan sagutin ko, kahit nag mamatapang sya sa harapan nito para lang ipakita dito na wala syang pakielam. "W-why you always blaming me of this s**t?" she asked. "W-why?" tumingin sya dito at unti unting lumuwag ang hawak nito. "A-alam ko naman dahil araw araw mo sakin sinasabi 'to." pinunasan nya ang luha nya. "I-i have to go." Mabilis syang tumakbo palabas at pumasok sa kotse nya. Don nya inayos ang sarili nya, inalis nya ang bakas ng pag iyak nya bago nya paandarin ang kotse nya. Medyo namumula pa ang mata nya pero di na n'ya 'yon pinansin dahil wala naman sigurong makakapansin non. Bumaba sya sa Agency nila at pumasok sa loob. Inayos nya ang hanggang balikat nyang buhok at nag lagay pa sya ng liptint sa labi nya. Maya maya lang ay narinig nya na ang pag bukas ng opisina ni Julia at tumingin sya sa salamin and she saw him. Magulo ang buhok nito habang naka suot ng isang white tshirt na pinatungan ng black leather jacket at black pants. Tumayo na sya at humarap dito. At sabay non ay pag bilis ng t***k ng puso nya. Kahit sa simpleng suot nito ay kaya nitong panlambutin ang tuhod nya. Hindi n'ya maiwasan mang hina sa harapan nito. "Let's go." she said coldly. Pinag buksan sya nito ng pinto ng Office at sumunod ito sa kanya. Hanggang sa pag labas ay nakasunod ito sa kanya. Hinanap nya ang cellphone nya at kinuha n'ya to. Bumungad nanaman sa kanya ang Unknown number na kanina pa nag tetext sa kanya. "Baby, are you ready?" "Baby, text me if you are ready." Kumunot ang noo nya. Baby? Tumingin sya kay David na pinailaw na ang black Lexus car nito at pinag buksan sya nito muli. Pumasok sya sa front seat at nakita nya naman na umikot ito papunta sa driver seat. Hindi nya to tinignan ko pinansin. Nag seatbelt sya ng maayos at patuloy parin ang tingin nya sa cellphone nya. Umandar na ang sasakyan pero sa cellphone parin n'ya sya nakatingin. "Wala ka bang na rereceive?" "Receive na ano?" Sagot nya habang sa cellphone nya parin sya nakatingin.  "Na text? DI mo ba na rereceive ang text ko?"  Napahinto sya at tumingin dito. "Yung baby?" she asked. "Yes." umangat ang gilid ng labi nito. "Sorry, hindi kasi ako nag rereply kung number lang o di ko kilala." she said truely. "Saka di naman importante ang text mo." Unti unti nawala ang ngiti nito dahil sa sinabi nya. Umiwas lang sya ng tingin at wala ng nag salita pa sa kanilang dalawa. At maya maya lang ay huminto na ang sasakyan sa isang malaking bahay. Nababa nya ang cellphone nya at tinanggal nya ang seatbelt nya. Sya na mismo nag bukas ng pinto para sa kanya. "Ba't ka bumaba?" napatingin sya kay David. "Pumasok ka at papasok na tayo." napakamot sya ng ulo. "Akala ko dito mo lang ipapark." Pumasok ulit sya sa loob pero hindi na nya kinabit pa ang seatbelt nya. Kusang bumukas ang gate at hindi nya maiwasan mamangha dahil don. "Pag tumapat ang kotse ko sa gate ay kusang mag bubukas 'yan. Bilang lang ang kotse na pwedeng pumasok dito dahil mahigpit ang security nila granny and papa." "Really?" he nodded. "Pag di pamilyar kotse mo dito ay baka sumabog nalang." "Amazing!" Di nya maiwasan mapangiti. Nang pumasok na sila ay mabilis syang bumaba. Inayos nya ang suot nyang dress at nag lakad na sya papuntang pinto at di na hinintay si David.  At nang bumukas ang pinto ay sakto non ang pag lapat ng kamay ni David sa bewang nya na kinagulat nya. Kahit may telang harang ay ramdam nya ang kuryentong dumadaloy sa katawan nya. Hindi sya agad nakagalaw pero agad din syang bumalik sa realidad at naunang pumasok sa loob. "Oh saktong sakto ang pag dating n'yo!"  Napatingin sya sa matanda at ngumiti. "GoodEvening Ma'am." mabilis na bati nya. "Masyadong formal, Ayana. Granny nalang."  "Sige po, Granny." maganda parin ang kanyang ngiti dito. Kung si David ay kayang kaya nyang barahin at umarte pero dito hindi. This is the real owner of the company kaya naman kailangan nyang maging mabait at magalang dito. "You're such a beautiful Lady, Ayana. I like you for my Grandson." nagulat sya sa sinabi nito peor ngumiti parin sya. "Let's go." Sumunod sya dito at tumingin sya kay David. Nakangiti ito sa kanya at inirapan nya lang. Mabilis syang sumunod papunta sa Kusina at hindi nya maiwasan mamangha sa laki. Kanina sa pag pasok lang nila ay sobrang laki na, parang mga antique ang mga bagay na nandito at mamahalin. Ang  tatlong sofa bed na parang kama na n'ya, ang isang Led Tv na nasa 60 inches at sa gitna ay may isang mabang mesa. Sala palang yun ah? Eh etong kusina na, parang bahay na nila sa sobrang laki!  Pero ang pinag tataka nya is bakit silang tatlo lang ang nandito sa kusina at nakahain ang maraming pag kain sa gitna. Tumingin sya kay David na nakangiti habang nag uusap sila ng lola nya. "E-excuse me." hindi nya maiwasan tumingin kay David at nag iwas ito ng tingin. "What is it, Ija?" "I-i just want to ask if anong oras bukas. I forgot to ask my manager about Tv commercial tomorrow." tuloy tuloy na sabi nya at english pa. Wow! Kailangan ba may kaba at seryoso para makapag english ako ng dire diretso!  "About that? My son will fetch you tomorrow. Two days tayo mawawala and sa Tagaytay gaganapin." "Thank you, Ma'a-- I mean Granny." "At balita ko ay first time mo daw 'to? Di ba kami mahihirapan?" she shooked her head. "I will try my best, Granny. Hindi ka po mapapahiya sakin." lakas na loob nyang sabi. "Good!" ngumiti sya at nag simula na silang kumain. Akmang pag sasandok sya ni David ay bigla nyang pinalo ang kamay nito. Wala syang pakielam kung rude ang dating nya pero ayaw nya talaga ng ganon.  Walang nag salita sa gitna ng hapag kainan at mukang sanay naman ang dalawa. Well, sya din naman. Dahil wala naman syang kasabay kumain and sometimes di na sya kumakain ng gabi. Nang matapos sila ay nag simula ulit tong mag tanong. "Ija, What is your favorite day?" nagulat sya sa tanong nito. "S-sunday, Granny." napatango ito. "And why Sunday?" "Dahil yun po ang oras na makakausap at makakasama ko sya. At 'yun din pong oras na nag lalakas loob akong kumanta at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko sa harapan nya. He's Good and I owe Him. At sya din ang dahilan kung bakit nanatili akong malakas, Granny. Sya ang lakas ko sa lahat ng bagay." nakangiting sabi nya. "W-wow." hindi ito makapaniwala sa sinabi nya. "Who is he?" tanong agad ni David.  "Well, you're really inspired at halatang gustong gusto mo ang ginagawa mo para sa kanya." She nodded. "He always guide me, he always at myside, Granny. Hindi n'ya ko iniwan kahit kailan." dugtong nya pa. Huminga sya ng malalim dahil lakas loob syang sumasagot dito. Totoo ang lahat ng sinabi nya. Atleast may araw akong nakalaan para kay God at kahit anong oras ay di sya nawawala sa puso ko.  "Magaganda ang mga photoshoot mo at kaya kita kinuha dahil parang professional ka. At pansin ko din na hindi ka nag papansin sa apo ko di tulad sa mga kinakuha naming Model na walang ibang ginawa kundi Landiin ang apo ko." Parang may kutsilyong tumarak sa dibdib nya dahil don pero ngumiti parin sya. "Trabaho kung trabaho lang po. At hindi ko po pinag sasabay ang ganyan bagay na maaring makasira sa trabaho ko." totoong sagot nya. "I really really like you to my Grandson." ngumiti lang sya ng tipid. "Ang kaso mukang may boyfriend ka." umiling sya dito. "I dont have time for relationship, Granny." ngumiti ito sa kanya at tumango. Ilang oras pa ang tinagal ng usapan nila at nag aya na syang umuwi. "Sige, Ija. Mag iingat kayo ah? Ikaw naman, David. Ayusin mo pang mamaneho mo, hatid mo na." Humalik sya sa pisnge nito at nag paalam na. Tumingin sya sa relo nya, halos mag aalas onse na ng gabi. "10Am pa naman alis natin tomorrow." tumingin sya dito pero seryoso ang ekspresyon nito. Pinag buksa sya ng kotse nito at pumasok agad sya saloob. "Sa Agency ah?" sabi nya dito. "Bakit di pa sa inyo? Diba delikado mag i--" "Kay ko sarili ko." putol nya agad dito.  "Bakit ba ayaw mong ihatid kita sa inyo?" naiinis na tanong nito pero di nya pinansin.  Pinikit nya ang mata nya at bahagyang humikab. "Nung may nang yare satin? Bakit pag gising ko wala ka na?" napadilat sya sa sinabi nito at sabay non ay nag pag haharumentado ng puso nya. May kung ano din na nag wawala sa tyan nya. "Bakit?" mapait na tanong nito. "That was one night stand." sagot nya dito.  "One night stand, but i felt it and i know you felt it too." huminga sya ng malalim at buong tapang na tumingin dito.  "Di ko alam kung ano sinasabi mo." she lied. "Pero kung ano man nararamdaman mo non? Siguro dahil lasing ako, at isang lalake lang ang nasa isip ko." she lied again. "Really? Even you shouted my name?" he laughed sarcastic. "You're different. You can't fool me, Ayana. That night was amazing, you know that. Naalala ko ang bawat haplos at halik ko sa'yo, Naalala ko lahat 'yon, Ayana. At di ko alam ang dahilan kung bakit pag gising ko wala ka na." Umiwas sya ng tingin dito.  "Iiwas ka nanaman ba? Sabagay, lagi ka naman umiiwas pag nalalaman mong nandon ako sa isang lugar." she suddenly stop. Ngumiti sya ng mapait dito at napansin nyang hindi ito daan papunta Agency kundi papunta sa bahay nila! "D-David, N-no." tumingin ito sa kanya. "May tinatago ka ba sa inyo?" seryosong tanong nito. "David! Wag pakiusap!" Bigla syang kinabahan ng lumiko ito sa subdivision nila. Punong puno ng kaba at takot ang kanyang dibdib. Tuloy tuloyumagos ang luha nya ng namataan na nya ang bahay nila. "D--David." Nanginginig na sabi nya. "P-please." Humagulgol na sya dito at bigla nalang huminto ang kotse. Tumingin sya sa bahay nila at buti nalang ay apat na bahay pa bago sa kanila. "W-why?" nag aalalang tanong nito sa kanya. "Bakit parang takot na takot ka?" he asked. Umiling lang sya dito habang umiiyak. Humikbi sya sa harapan nito at nanginginig ang kanyang balikat sa sobrang takot. "I'm sorry, Ayana. I'm sorry." Kinabig sya nito pasubsob sa dibdib nito at don sya umiyak ng umiyak. "Shh, stop crying, Ayana." ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD