Chapter 5

2102 Words
Hindi sya maayos na nakatulog ng gabing 'yun dahil sa takot at kaba na dala dala nya. Kahit anong pwestong gawin n'ya ay patuloy na pumapasok sa isip nya ang pwedeng mang yare kagabi. Walang humpay ang pag tulo ng luha n'ya, halos kalahating oras syang umiyak sa dibdib nito. Hindi n'ya nga matandaan kung pano sya nakapasok sa bahay nila pero nang makapasok sya nakita nya ang mommy nya na nag hihintay sa kanya. Nanginig nanaman ang kanyang buong katawan, pano kung natuloy pala ni David ang pag hinto sa harapan ng bahay nila? Edi napahiya nanaman sya, hindi lang kay David kundi sa mga kapit bahay ulit. Tulad ng ginawa n'ya kay Fran. "Bakit ba di mo gustong ihatid kita sa inyo?" "W-wala! Basta hanggang dito nalang ako!" Mabilis syang bumaba ng kotse ni Fran at hindi na ito muli nilingon pero mas nagulat sya ng mauna ito sa kanya at huminto sa harapan ng bahay nila. Puno ng kaba at takot ang dibdib nya ng bigla itong bumaba sa kotse at tumakbo sya. "F-fran! N-NO!" Mabilis na sabi nya. "What? I just want to meet your parents." "F-fran." nanginginig na sabi nya. "W-wag please." tumulo na ang luha nya at maya maya lang ay tumunog na ang pinto ng bahay nila at tuluyan ng bumuhos ang luha nya. "Oh? Yung anak ng kabet nag uwi ng lalake? Diba boyfriend yan ng bestfriend mo?" Hindi sya makatingin sa mommy nya. Kahit na wala na si Fran ang bestfriend n'ya ay nandon parin ang guilt sa kanya. Hindi n'ya kayang iwan si Fran dahil mahal n'ya 'to. Walang alam si Fran sa totoong buhay n'ya dahil sa takot n'ya din. "Oh? Tumutulad ka din sakin?" dahan dahan syang tumingin sa mommy nya. Nakilala na n'ya ang pamilya ni Fran pero hinusgahan lang sya. Naramdaman nya ang naramdaman ng bestfriend nya kung pano husgahan ito habang nakaharap si Fran. Pero si Fran walang magawa, gusto nya tong iwan pero di n'ya kaya. "M-Mommy." "Alam mo ba Ijo? Pag pinag patuloy mo pa ang relasyon sa kan'ya? Masisira lang ang pangalan ng pamilya mo. Anak s'ya ng kabet at walang gugustuhin pumatol dito dahil katulad ko lang to na malandi." Tumingin sya kay Fran na parang nandidiri sa kanya. "F-fran, wag kang maniwala sa kanya." "A-anak ka ng kabit?" di ito makapaniwala sa kanya. "K-kaya ba ayaw mong makilala ko ang mommy mo?" "Isa syang bastarda. At di sya gusto ng pamilya mo, sikat pa naman ang pamilya mo dito sa bansa? Pano nalang pag nalaman nila na pumatok ka sa isang anak ng kabet? Diba kahiya hiya." Hinawakan nya ang kamay ni Fran at nanalangin na sana wag syang maniwala, Na sana piliin sya nito at di isipin ang mga bagay na nalaman n'ya. Pero nawasak ang puso nya ng biglang hinila ni Fran ang kamay nito at sabay non at pag lakas ng tulo mismo ang luha nya. "I have to go." Alam nyang pag alis ni Fran ay tapos na sila. Nanginginig ang balikat nyang tumingin sa mommy nya. "W-why?" "Diba sabi ko sa'yo? Di kita hahayaan na maging masaya? Sa'yo ko ipaparamdam lahat ng sakit na pinaramdam sakin ng hayop mong ama." Halos hindi sya lumabas ng bahay non dahil sa sakit. Hnahanap n'ya ang bestfriend nyang si Gabriella pero kasalanan n'ya pala. Kasalanan nya kung bakit s';ya nawalan ng kaibigan at 'yon ang pinag sisihan nya buong buhay nya. Napatingin sya sa mga kapit bahay nila na mahihinang nag bubulungan. Tumunog ang cellphone nya sa gilid at nakita nya ang Unknown number, mabilis n'ya to binuksan. "GoodMorning. Are you okay? I will fect you later." Huminga sya ng malalim at inayos na ang mga damit na dadalin nya. Pumasok sya sa Cr upang maligo ng mabilis atlumabas na sya. She saw her mom watching Tv. Tumingin ito sa kanya at tinaasan sya ng kilay. "Aalis ka? Babalik ka pa ba?" mataray na tanong nito. "Gusto kong di kita nakikita sa bahay na'to. Pero di ibig sabihin non ay hahayaan kitang maging masaya." Tinignan nya lang ito. "Aalis ako para sa trabaho. Baka sa isang linggo na ko makabalik." pag papaalam nya. Pero wala na syang narinig na salita dito. Lumabas na sya ng bahay nila at nagulat sya ng makita nya ang kanyang sasakyan. Naalala nya kagabi ay iniwan n'ya to sa parking lot ng Agency nila at di naman pwedeng madala ito dito dahil walang susi. Bigla nyang kinapa ang susi nya at nakita nyang nandon yun. Pwera nalang kay Julia, baka nga si Julia ang nadala. Mabilis nyang nilagay sa backseat ang gamit nya at pumunta na sa Driver seat. Sinuot nya ang sunglasses nya at pinaadar na n'ya ito. Mabilis lang sya nakarating sa Agency nila at bumaba sya agad don. Pero may nag bukas agad ng backseat nya and she saw David, kinukuha nito ang gamit nya. Tumingin sya sa relo at nakita nyang 10 ng sakto. Binalik nya ang tingin kay David at naalala nya ang pag iyak nya kagabi. Bumilis ang t***k ng puso nya at para bang naamoy nya si David kahit malayo ito sa kanya. Naka suot ito ng isang longsleeve na kulay black na hapit na hapit sa katawan nito. Bumabakat ang mya malalaking braso nito. Gulong gulo ang buhok nito na nag padag dag ng kagwapuhan nito. Hindi n'ya maiwasan titigan ang lalakeng mahal n'ya sa bawat galaw nito. Pinikit n'ya ang mga mata nya at mataimtim na nanalangin para sa nararamdaman nya. "Let's go." Dinilat n'ya ang mata nya at saktong nag tama ang kanilang paningin. Lumundag ang puso n'ya dahil sa maamong tingin nito sa kanya at mabilis nalang syang umiwas. Mabilis syang pumunta sa kotse nito at pinag buksan sya ng pinto. Tahimik syang pumasok sa loob. "Nauna na sila Granny at ang manager mo don." "A-ah okay." nauutal na sagot n'ya. Huminga sya ng malalim at kinabit na nya ang seatbelt n'ya sa katawan. Tumingin sya kay David na seryosong nakatingin sa harapan habang inaalis ang sasakyan sa parking lot. Umiwas na sya ng tingin dito at tumingin nalang sa bintana. "Kumain ka na ba?" mabilis syang tumingin dito at tumingin din ito sa kanya. Mabilis syang umiling dito. "Drive thru tayo. Hindi pa din ako kumakain." Hindi na sya sumagot dito. Huminto ang kotse nila at tumingin sya dito habang may kinakausap sa labas. Hindi nya maiwasan titigan ang muka nito. Malungkot syang ngumiti at pinikit ang mata. Mga limang minuto huminto ang kotse nito bago umandar. Parang kung anong sumasaksak sa puso n'ya dahil sa mga iniisip nya. Ang lalakeng mahal n'ya na kasama n'ya sa isang sasakyan. Sobrang taas nito at kahit kailan di nya maabot ito. Gusto man n'ya to akitin pero di n'ya kaya dahil alam nyang masasaktan lang sya. Sigurado syang hindi nito kayang tanggapin kung ano ang pag katao n'ya. "Here. Kumain ka at pag katapos matulog ka muna. Dalawang oras ang byahe pero dahil ma traffice baka maging tatlong oras mahigit." Kinuha nya ang binigay nito sa kanya at sinimulan na nyang kumain. Pero napansin nyang nahihirapan ito kumain dahil nag dra drive ito. Kaya naman kinuha nya ang pag kain nito at inayos. Pa sulyap sulyap ito sa kanya, dahil sa ginawa n'ya. Napag pasyahan n'ya na subuan ito upang di mahirapan, sa bawat subo nya dito ay nanginginig ang kamay n'ya. Sobrang lakas ng t***k ng puso n'ya pag tumitingin ito sa kanya. Pero pinag tiisan n'ya ang 'yun hanggang sa matapos na itong kumain at sumunod naman syang kumain dito. Nang matapos na syang kumain ay inayos na nya ulit ang upo nya at sinandal ang ulo sa bintana ay sabay non ng pag pikit ng kanyang mga mata. Nagising nalang sya na nasa isang kwarto s'ya na hindi pamilyar sa kanya. Unti unti syang bumangon at tumingin sa buong paligid. Tinignan nya ang kamang hinigaan n'ya at di n'ya maiwasan mapanganga sa sobrang laki. Isa itong king size bed at nasa isang presidential suite sya! Napatakip sya ng bibig at inikot nya ang mata nya sa loob. "Damn! Ang ganda!" Mabilis syang pumunta sa sofa nasa harapan nya at may tatlong unan na square dito sa harapan ng sofa ay may isang malaking Tv. Tumayo sya at pumunta sa gilid kung san kita ang buong tanawin sa tagaytay. "Ang ganda!" mahinang bulong nya. Narinig nyang bumukas ang pinto at napatingin sya don. Nakita n'ya si David na bong ligo at medyo basa pa ang buhok nito. Naka maong short ito na hanggang ibabaw na tuhod at isang puting sando na. Labas na labas ang malalaking muscles nito at napaiwas sya ng tingin. "Sabi ni Granny, maligo ka na daw." "Sige." mabilis na sagot nya. Pumunta sya sa dala nyang damit at nag hanap na pwedeng isuot. Buti nalang ready na ready sya. Kahit tag ulan ay mainit parin naman at sinabihan naman sya ng mga ito kung ano gagawin sa commercial. Isang Sunblock ang imomodel n'ya at kasama si David! Damn, habang naka two piece sya ay si David naman papahiram sya sa likod ng sunblock, habang may speech syang sasabihin don. Kumuha sya ng iosang summer short at isang sleeveless na mababa ang V line kaya naman kitang kita ang kanyang cleavage dito. Kumuha din sya ng isang pares na kulay asul na two piece. "Hindi ba masyadong reaveling yang damit mo?" nagulat sya ng mag salita si David. Tumingin sya dito at di nya napansin na nandito papala to. "H-huh? Ano naman." Gusto nyang sampalin ang sarili n'ya dahil sa pag sagot n'ya na nauutal."Mas reaveling ang commercial na gagawin." sagot nya dito na parang bale wala lang. Ganyan nga, Ayana. Kaya mo yan. "Sa tingin mo ba papayag ako sa reaveling commercial na gagawin mo? Hindi ko hahayaan makita ng karamihan ang katawan mong sinasamba ko gabi gabi." Nagwala bigla ang puso nya sa sinabi nito. Hindi s'ya nakapag salita ng ilang minuto at nang bumalik sya sa tamang wisyo nya ay wala na si David sa harapan nya. Napahawak sya sa dibdib nya na sobrang bilis ng t***k ng puso. Sinampal sampal n'ya ang sarili nya. Tama ba ang narinig? "Sa tingin mo ba papayag ako sa reaveling commercial na gagawin mo? Hindi ko hahayaan makita ng karamihan ang katawan mong sinasamba ko gabi gabi." "Damn!" Napamura sya ng mahina at mabilis na pumunta sa CR. Hindi sya gaanong nag tagal sa Cr dahil puro ang boses ni David ang naririnig nya. Nag ayos sya ng sarili nya at hinayaan nyang basa pa ang buhok nya. Lumabas sya ng Suite at halos mapatalon sya sa gulat ng makita n'ya si David na nakahilig don. "What are you doing here?" mabilis na tanong nya. "Granny wants me to take care of you." Lihim nanaman syang napamura. Umayos ito ng tayo at akmang lalapit sa kanya to pero agad syang umiwas ito. "Tara na." malamig na sabi nya. Pero agad syang hinila nito sa kabilang daan at kahit saglit lang yun ay naramdaman nya ang kuryentong dumaloy sa mga kamay nila. "Dito ang daan." Ayan, sige! Arte pa, Ayana. Napahiya ka tuloy! Sumunod nalang sya dito papasok sa Elevator. Buti nalang maraming taong nandon at karamihan ay babae pero may isang lalake. Unang pumasok si David na pumunta sa dulo at sumunod naman sya pero sa harapan lang sya pumwesto na malapit sa isang lalake. Naririnig nya ang tawanan at parinigan ng mga babaeng nasa loob tungkol kay David pero wala syang pinansin. "Babae, ang gwapo nya sa personal!" "Oo nga. Kunin mo number." Huminga sya ng malalim at bumukas na ang elevator. Sabay silang lumabas ng lalake at nag kabungguan pa sila. "Ay sorry." tumingin sya sa lalake at ngumiti lang. "Nasaktan pa kita?" maamong tanong nito. "No. I'm fine." she said truely. "Okay. Sorr---" "Ayana, let's go." napatingin sya kay David at tumingin ulit sa lalakeng nasa harapan nya. "Excuse me." Sumunod sya kay David palabas ng Hotel at pumunta ito sa gilid, nakita nya naman na nandon si Julia at si granny. Mabilis sumilay ang ngiti n'ya at humalik kay Granny at Julia. "Ang tagal nyong dalawa! Abay, halos isang oras na kami dito ni Julia." Reklamo ni Granny sa kanila. "I am sorry po." magalang na sabi nya. "Oo nga pala. Naiba ang kontrata mo. Hindi na ikaw ang sasalang sa commercial pero imomodel mo ang mga sunblock. Ayaw ng apo ko na mag lakad kang naka two piece!" nawala ang ngiti sa labi n'ya dahil sa mga narinig nya. "Possessive!" dugtong pa ng kaibigan nya at tumingin sya kay David na tahimik na kumakain. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD