Tulala syang nakatingin sa dagat habang masama ang loob. Maraming tao sa dalampasigan kasama ang mga pamilya nila at di papatalo ang mga lovers na nag lalambingan sa dalampasigan. Huminga sya ng malalim nang malaman nya ang kontrata n'ya.
Akala nya makakagawa na sya ng Tv commercial, hindi pa pala. Umasa s'ya masyado. Yun lang naman ang guston'ya pero di n'ya aakalain na mapuputol agad sa isang iglap. Hinayaan n'ya ang sarili n'ya sumama dito pero wala naman pala syang gagawin. Pakiramdam n'ya napahiya sya, alam pa naman ng buong Agency na sya ang lalabas sa Tv commercial don sa Sunblock ni Granny pero hindi. Mapapahiya sya at baka kung ano nanaman ang marinig n'ya sa mga ka trabaho n'ya.
Niyakap n'ya ang tuhod n'ya at hinayaan lumipad ang kanyang lagpas balikat na buhok. Tumingin sya sa tubig sa harapan n'ya na umaabot na sa paa n'ya. Hindi sya makapag isip ng mabuti, pero walang pumapasok sa utak nya.
Nang matapos silang mag Lunch kanina ay nag paalam syang mag lalakad muna. Pero halos padilim na sa pwesto n'ya ay hindi parin sya nakakabalik. Ni hindi nga nya inisip na mag libot nalang para mawala ang problemang iniisip n'ya e.
Unti unti nagiging kulay kahel ang langit at di nya maiwasan mapangiti sa ganda ng pag lubog ng araw. Kahit papano naman ay mapangiti sya sa ganda ng tanawin.
"Ayana!"
Napatingin sya sa tumawag sa kanya and she saw Julia, nakangiti ito habang kasama si David. Ngumiti lang sya ng tipid dito at humarap nalang sa palulubog na araw. Tumama na sa kanyang short ang tubig ng dagat. Palakas ng palakas ang hangin at ganon din ang alon.
"HOOY! BA'T DI KA NAMAMANSIN?"
Umupo sa kaliwa nya si Julia at napatingin naman sya sa kanan nya ay don umupo si David. Iniwas nya ang tingin dito dahil nag wawala nanaman ang puso n'ya. Sabay non na para bang may kumakalkal sa kanyang tyan ng di nya malaman na dahilan.
"Hindi ka na bumalik! Di ka tuloy nasama pumunta sa dulo!"
Ngumiti lang sya ng tipid. Halata sa boses nito na nag eenjoy ito, gusto man n'ya to ayain pauwi pero di n'ya magawa. Ayaw nyang maging Kj sa kaibigan n'ya. "Hooy, tahimik mo naman." bati pa nito sa kanya.
"Hmmm. Buti naman nag eenjoy ka." nakangiting sabi n'ya dito.
"Naman! Saka bukas ng maga na ishu-shoot ang Tv commercial, buong mag hapon 'yun! Wag kang male late ah?" kumunot ang noo nya.
"Diba pwedeng sabay nalang tayo?" she asked.
"Huh?! Kasabay ko si Granny don! Sabay nalang kayo ni David! Tutal mag katabi lang naman ang kwarto nya." tango nalang ang nasagot n'ya dito.
Nang dumilim na ng tuluyan ay nag aya na syang umalis don. Sumunod naman ang dalawa sa kanya, pumasok sya ng mabilis ng hotel pero sakto non ang pag labas ni Granny.
"Granny." mahinang tawag nya.
"Tara na at kumain! Maaga tayong matutulog ngayon dahil maaga tayo bukas. Masarap ang araw sa maga kaya dapat maga tayo mag shoot."
"Sige po."
Pumunta sila sa dating nilang pwesto at bumungad sa kanila ang nakahandang pag kain. Umupo sya sa gitna ni Julia at ni Granny.
"Ija, san ka ba nag punta kanina? Di ka tuloy naman nasama kanina."
"Nandon lang po ako sa dalampasigan. Masarap po kasi ang hangin don." magalang na sagot n'ya dito.
"Hindi tuloy mapakali si David." natawa ito at sumabay din si Julia.
Ngumiti lang sya ng tipid at sinabi nito na kasama sya sa commercial pero hindi s'ya ang mismong bida. Kundi isa syang back up lamang, dahil may model daw na professional na dadating ngayon at saktong hinihintay nila.
Napabuntong hininga. Hindi n'ya maiwasan bumigat ang loob n'ya. Sobrang excited pa naman sya kanina bago syang pumunta dito dahil akala nya sya ang bida sa commercial mali pala.
"Ija, gusto ko talaga ikaw mismo ang bida sa commercial pero ang apo ko ang ayaw. Kung ang susuotin mo daw ay ang two piece, wag ka na daw gawing bida." napahinto sya sa pag kain at tumingin kay David na seryosong kumakain.
"Bakit naman po sya magagalit? Buhay ko po to." seryosong sabi nya. "Saka wala po syang pakielam sa gagawin ko sa buhay ko." sagot n'ya.
Mag sasalita sana si David pero may isang dumating. "Hi Granny." tumingin sya sa babaeng dumating ay di n'ya maiwasan bumaba ang tingin n'ya sa sarili nya. "I'm sorry i'm late. Siningit ko lang kasi sa sched ko to." huminga sya ng malalim.
"It's fine, Via. Kami nga dapat ang mahiya sa'yo." sagot ni Granny dito
Damn! Lyricko's On cam girlfriend!
Iniwas n'yang tumingin dito at nag patuloy lang sa pag kain. "Hi, David! Long time no see ah?" may pag kamalanding sabi nito.
"Hi V." tipid naman na bati ni David dito.
"Samahan mo ko later, David ah? Matatapos na kasi kayo kumain, tapos di pa ko kumakain. Pwede ba?"
Limihim nyang tinignan si David at nagulat sya na nakatitig pala ito sa kanya. Umiwas lang sya ng tingin dito at sumubo nalang muli ng pag kain. "S-sure."
"Oh By the way, Via. This is Ayana Garces and her manager, Julia. Mga apo this is Via, kilala n'yo naman s'ya diba?"
"Yes po, Granny." mabilis na sagot nya habang nakangiti.
"Hi Ayana." bati sa kanya ni Via.
"Hi din." matipid na sabi nya.
Umalis na si Via sa pwesto nila upang mag palit. Sakto naman na tapos sila ng bumaba ito kaya naman tumayo na sya. "Mag papahinga na po ako." paalam nya agad kay Granny.
Hindi nya inabala ang sarili nyang tignan si David kahit ramdam nya naman nag titig nito sa kanya. Umalis nalang sya don ng biglaan at mag isang sumakay sa Elavator. Napasandal sya at napahawak sa dibdib nya.
May kung anong kirot syang naramdaman. Wala syang magawa para sa nararamdaman nya, kahit anong gawin nya wala syang pantapat kay Via, kukunin ka ng x factor yun kung hindi nag quit si Lyricko. Tapos pag ito pa ang nag model for sure maraming bibiling mga fans nito. Sobrang sikat ito at maraming humahanga, hindi lang dito sa pilipinas kundi sa ibang bansa. Kaya mas pabor si Via dito.
Huminto na ang elavator sa floor kung san sya nag stay in. Mabilis syang nag lakad papunta sa suite nya at dumiretso sa cr upang magligo.
Nang matapos syang maligo ay agad nyang kinuha ang cellphone nya at tinignan ang loob ng gallery kung nasan n'ya makikita ang maganda nyang mommy na nakangiti habang may hawak na ice crean. Ngumiti sya ng mapait habang tinitigan ang picture nito nung kabataan pa ito.
Lihim n'ya nisend sa sarili nya ng naiwan ng mommy nya ang cellphone nito sa kusina nila. Hindi n'ya maiwasan mapangiti ng nakikita nya ang ganitong picture ng mommy nya at pinag dadasal n'ya na sana mapangiti n'ya ang mommy nya tulad na ganito kahit alam nyang malabo mang yare.
Nag suot sya ng isang longsleeve na may design na fries na color blue at isang short na hanggang kalahati ng hita. Pinatuyo nya ang buhok n'ya bago sana sya lumabas. Ngayong gabi sya mag lilibot at sigurado naman na wala syang gagawin bukas dahil di naman sya ang bida don. May dala syang isang shoulder bag kung san nandon ang wallet at cellphone nya.
Nag hintay sya ng ilang minuto bago bumukas ang pinto, At bumungad sa kanya ang lalake kaninang kasabay nila. Ngumiti sya ng matipid bago pumasok sa loob.
"Hmm... Hi." mabilis syang napatingin dito .
"Hello." ngumiti lang ulit sya ng tipid.
"San ka pupunta?" tumayo ito sa tabi nya. "Kasama mo ba boyfriend mo?" napalingon sya dito at mabilis na umiling. "Eh sino kasama mo kanina na parang papatay sa sama ng tingin?"
"Ahh. Si David Aragon. Hindi mo kilala?" gulat na tanong nya dito.
"Pamilyar...ata." hindi nya siguradong sabi. "Oo, naalala ko na pala. Sya yung Lawyer na lahat ng kaso ay nanalo." tumango lang sya. "Bakit ganon ang tingin sakin kung hindi mo naman pala sya boyfriend?" tanong pa nito sa kanya.
Bumukas na ang elevator at lumabas sya. Sumunod ito sa kanya at sumagot naman sya. "Ewan ko din."
"May past ba kayo?" napahinto sya sandali dahil don.
"Wala naman." buong sabi nya.
Lumabas na sila ng hotel at nag simula na sya mag lakad lakad. Huminga sya ng malalim at ngumiti habang nilalasap ang hangin na tumatama s akanyang muka. Umupo agad sya sa pwesto n'ya kanina at mejo nilayo nya ang sarili nya sa tubig dahil baka mabasa sya. Nilabas nya ang camera n'ya at kinuhanan ang langit na maraming bituin.
"Dito ka lang ba pupunta?" nagulat sya sa nag salita sa gilid nya.
Umupo ito sa tabi nya habang nakangiti kaya naman ngumiti nalang din sya. "Yes. Wala naman kasi akong alam sa lugar na 'to." sagot nya.
"Edi bukas samahan kita? Mag libot tayo. Treat ko?"
"Ewan ko lang kung busy ako o hindi. Kasi bukas na ishu shoot ang commercial ni Granny at baka kasama ako." totoong sagot nya.
"Model ka?" natawa sya dito dahil hindi ito makapaniwala sa kanya. "Kaya pala ang ganda ganda mo." bigla naman syang namula sa sinabi nito at umiwas ng tingin.
"Bolero." mahinang bulong n'ya.
"Totoo kaya. Maganda ka naman talaga, kahit san anggulong tignan maganda ka." she smiled at him.
"Well, kahit anong ganda hindi parin deserve maging masaya." malungkot na sabi nya.
"Huh? Bakit naman?" Humarap sya dito at tinignan ito sa mga mata. Muka hindi na sila nito mag kikita pag katapos ng trip sa tagaytay.
"May sikreto ako pero gusto ko tayo lang makakaalam?" dahan dahan itong tumango. " I will trust you even you're stranger."
"Trust me. Hindi kita bibiguin."
"A-anak ako ng isang kabit." nagulat ito sa sinabi nya. "And my mom hates me so much because of that. Sinulot ko ang boyfriend ng bestfriend ko nung fourth year college ko." she smiled again but deep inside it hurts. "Huhusgahan mo ba ko?" she asked.
"Huh? Bakit ko naman gagawin yun?" nagulat sya sa sinagot nito. "Wala naman akong karapatan mang husga. Diyos lang ang may karapatan mang husga, eh hindi naman ako Diyos ba't ako mang huhusga?"
Hindi nya maiwasan mapangiti. Sa lahat ng nakilala nyang tao pag nalalaman ang totoo nyang pag katao, minsan iiwan nalang sya o di kaya huhusgahan sya. May mga lalake pa palang na eexist na hindi marunong mang husga.
"Are you Christian?" hindi n'ya maiwasan itanong.
"Yes. Bakit?" ngumiti lang sya at umiling dito.
Ramdam nya agad ang faith ng taong nasa tabi nya sa mga salita palang na binibitawan. "Christian ka din no?" tumango sya dito.
"Proud to be."
"So friends?" tumingin sya sa kamay nit at agad nyang tinanggap.
"Bakit ko naman tatanggihan ang alok mo? Ikaw lang ang lalakeng hindi nang husga sakin." totoong sagot nya. "At di ko papayag na hindi tayo maging mag kaibigan." nakita nya ang pag kagat ng labi nito at umayos ng upo.
"Mag pray ka lang ng mag pray sa Kanya. Asahan mo? Hindi tayo iiwan nyan o sasaktan." tumango sya dito.
"Yeah,Nag dadasal naman talaga ako, para sa sarili ko, my mom and other people who needs God in their lives." sagot n'ya. "Kahit naman wala akong makapitan na physical? Pero alam ko sa ispirtual? Meron. Hindi n'ya ko iiwan at hahayaan sumuko."
"Alam mo bang first time kong naka encounter ng babae na mataas ang faith kay God at di nahihiya pag usapan si God?" tumingin sya dito.
"Really? Me too. Ngayon lang except sa mga ka youth ko."
"Baka tayo para sa isa't isa---"
"Ayana!"
Napatingin sya sa tumawag sa kanya and she saw David with Via. Nakakapit dito si Via at nakaramdam nanaman syang sakit sa dibdib nya pero ngumiti parin sya. Madilim ang tingin nito sa kanila pero di nya 'yun pinansin.
"You boyfriend is here." tumingin sya sa lalakeng di nya pa kilala.
"He's not my boyfriend." mabilis na sabi nya.
"So you're Ayana, beautiful name like the owner." natawa sya ng konti. "By the way I'm Xian." tinanggap nya ang kamay nito pero agad naman may humila sa kanya at nakaramdam nanaman sya ng kuryente sa pag hawak non sa kanya.
"DAVID!" gulat na sigaw nya bago sya lumayo dito.
"BAT NANDITO KA PA SA LABAS?!" galit na sigaw nito sa kanya at kumunot ang noo nya.
"Why are you asking me like that, David? We're not even close." mabilis na sagot nya.
Humarap sya kay Xian. "I am sorry, Xian."mahinang sabi nya.
Pero bago pa to sumagot at mabilis syang hinila ni David sa sobrang gulat nya. Hinatak nya ang kamay nya pero binuhat sya nito at mabilis itong nag lakad palayo kela Xian at Via.
"ANO BA DAVID!?" inis na sigaw nya.
Mabilis lang sila nakarating sa loob at sumakay sa Elevator. Sinandal agad sya ni David at hinarang nito ang katawan nya. Bigla syang nang hina sa pwesto nito nila, ang isang kamay nito ay nasa bewang nya habang ang isa ay nasa gilid ng ulo nya. Sobrang lapit ng katawan nito sa kanya. Titig na titig ito sa kanya, kung kanina ay puno ito ng galit, ngayon naman ay para itong maamong tupa na puno ng pag mamahal.
Mabilis parin ang t***k ng puso nya at kung hindi ito nakahawak sa bewang nya siguro napaupo na sya sa sahig.
Pero di nya aakalin na mas lalakas pa pala ang t***k ng puso n'ya dahil sa sinabi nito.
"Akin ka lang, Ayana. Akin ka lang."
~