Napakagat sya ng labi at di maiwasan mainggit kay Via habang naka black two piece ito at tinetake ang Tv commercial ni Granny. Ang maputing katawan nito, isama mo pa ang magandang muka nito. Walang lalakeng hindi mag kakagusto sa ganitong kagandang babae. Inikot n'ya ang mata nya and she saw David staring at Via. Nararamdaman nya nanaman ang pamilyar na sakit.
"Akin ka lang, Ayana. Akin ka lang."
Napapikit sya ng mata napailing. Damn! Mula pag gising nya ay di maalis ito sa isip n'ya. At hindi nya alam kung pano patutunguhin si David kaninang umaga and thanks to her friend, eto na mismo ang nakasabay n'ya. Mukang iniiwasan din sya nito dahil ng paparating sya kanina ay bigla nalang ito tumayo at lumipat ng pwesto.
Napag pasyahan nalang nya lisanin ang lugar na 'yon at pumunta sa pinakadulo. Nasa dulo na sila pero hindi sa pinakadulo, nag hanap pa kasi ng space dahil matao kung don mag sho shoot sa gitna.
Umupo sya sa buhangin habang ang kanyang paa at tinatamaan ng alon. Hinawakan nya ang basang bumahangin at kinulong sa kanyang palad ng syang kinasaya n'ya. Nang naramdaman nya ang tubig na tumama sa kanyang hita ay di na nya mapigilan maligo. Hinubad nya ang kanyang suot na summer overall, natira sa kanya ang red two piece at agad syang lumusong sa tubig. Nag tuloy tuloy sya sa pag lalakad hanggang magng balikat na nya ang tubig.
"Ang sarap sa pakiramdam!" masayang sabi nya habang nilulubog ang sarili sa tubig.
Nag floating sya papunta sa malalim at lumangoy sya pabalik sa pwesto n'ya kanina. "Damn! After a year! Nakapunta na ulit sa beach!" masayang sabi nya sa sarili nya.
At kahit papano ay nakalimutan nya ang inggit at sakit na nararamdaman nya.
Ilang beses syang lumangoy at nag napagod sya ay napag pasyahan nyang bumalik sa dalampasigan ay naupo don. Sayang wala syang dalang tuwalya para punasan ang sarili nya. Sinuot nya ang salamin nya at tumingin sa langit, mataas ang sikat na araw dahil mag aalas dose na ng tanghali. Nararamdaman nya ang init ng araw na tumatama sa katawan nya at nag bibigay sa kanya ng ginhawa.
"Ayana! Kakain na tayo." napatingin sya kay Julia na katabi si Granny.
Hinanap ng mata nya si David at nakita nya tong nakangiti habang kausap si Via na may suot ng bathrobe at sa tingin nya ay sinuot ito ni David dito.
Damn! Ba't ang sakit sa mata non? Parang kagabi lang sinabi n'ya na kanya ako? Tapos eto hindi sa kanya?! Gago ba sya? Bahala sya sa buhay na.
Mabilis syang nag iwas ng tingin dito at kinuha nya ang damit nyang hinubad kanina, nag lakad sya papunta don at iniwas nyang tumingin sa pwesto ni Via at David. Pumunta sya sa tabi ni Julia at lumayo ito. "Basa ka!"
"Arte naman nito!" natawa sya dito. "Ligo tayo after ng Lunch!" mabilis na aya nya.
"Pag iisipan ko!"
"Ay, ano ba yon!"
Napatingin sya kay David habang masama ang tingin sa kanya. Hinagisan sya nito sa muka ng isang puting bathrobe at napairap sya. Narinig nya naman ang hagik gik ni Granny at ni Julia sa tabi nya. Nilagay nya sa gilid ang bathrobe at tumingin kay Julia upang kulitin nalang.
"Ano Julia? Pag katapos ng Lunch?"
"Gusto mo ba ako pa mag suot sa'yo nyan?" nakita nya ang pag ngisi ni Julia at napairap nanaman sya.
Mabilis nyang kinuha ang bathrobe hindi upang suotin. Tumayo sya don upang umalis pero di pa s'ya nakakalayo ay agad sya nitong hinila at inagaw ang bathrobe na suot nya. Hinila nito ang katawan nya palapit sa katawan nito sabay non ang pag daloy na kuryente, bumibilis nanaman ang t***k ng puso n'ya. Nakakaramdam sya ng pang hihina pero hindi nya hahayaan na matalo sya ng nararamdaman nya.
"Diba sabi ko akin ka lang?" madiin na sabi nito.
"Walang nag mamay ari sakin, David." mahinang bulong nya.
Akmang lalayo sya pero hinigpitan nito ang hawak sa bewang nya at napahawak sya sa dibdib nito. Muntik ng tumama ang muka nya sa dibdib nito kung hindi nya kontrol ng kamay nya.
"Mula ng gabing inangkin kita, alam kong akin ka na."
Unti unti bumaba ang kamay nya sa gilid n'ya. Huminga sya ng malalim dahil sa kakaibang nararamdaman nya. Halos wala na syang marinig sa buong paligid dahil sa t***k ng puso nya at sa lalakeng nasa harapan nya.
Unti unti nyang tinaas ang kanyang kamay upang alisin ang hawak nito sa kanya pero wala syang lakas. Hindi man nya napansin ang pag lagay nito ng bathrobe sa likod nya. Hinawakan nito ang braso nya upang isuot don ang kamay ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"For now on wag mo na kong papakielamanan sa lahat ng gagawin ko. Just back off, David."
Nag karoon na syang lakas hilahin ang sarili nya at mabilis na umalis don. Pero agad syang hinila ni David papunta sa dito at tumama ang muka nya sa dibdib nito.
Damn!
Ramdam nya ang katigasan ang dibdib nito dahil nasaktan ang kanyang muka sa ginawa nito. Narinig nya ang mabilis na t***k ng puso nito, bumaba ang kamay ni David sa kanyang bewang, unti unti syang nang hihina sa ginagawa nito. Muntik na syang mabuwal dahil don pero agad sya nitong inalalayan.
Sobrang nang hihina ang tuhod nya sa ginagawa nito sa kanya, hindi n'ya alam kung bakit ganito kalakas ang epekto sa kanya ng lalakeng ito. Ni hindi nya naramdaman ito kay Fran! Wala syang naramdaman na ganito sa mga lalakeng nag daan sa buhay nya! Kay David lang, kay David nya lang naramdaman ang mga ito, si David lang ang nakakapag bigay ng ganito epekto sa kanya.
Kusang tumulo ang luha sa mga mata nya, totoong mas lalong nahuhulog sya sa lalakeng ito. Totoong mahal nya ang lalakeng ito, hindi nya maiwasan mapahagulgol sa sakit. Hindi sila bagay at kahit kailan hindi sila nababagay sa isa't isa. Ang buhay nito ay kakaiba sa buhay nya at di n'ya deserve ang maging masaya. Kailangan n'ya tanggapin 'yun, dahil hindi n'ya kaya maging masaya habang miserable pa ang buhay ng mommy nya. At siguradong walang lalakeng tatanggap sa tunay nyang pag katao.
"Damn! W-why are you cying?" nag aalalang tanong nito. "A-ayana, damn! I am sorry." hinawakan nya sa balikat nito upang tignan ang kanyang muka.
"P-pakiusap, lumayo ka sakin...W-wag mo kong lalapitan." umiiyak na sabi nya.
"Why?" may halong sakit na tanong nit.
Tumingin sya dito at ngumiti, kahit napupuno ng luha ang kanyang pag mumuka. "H-hindi ko alam kung ano pinararating mo sakin o ano ang nararamdaman mo... P-pero ako na mag sasabi David... k-kung may nararamdaman ka sakin... p-pakiusap pigilan mo. D-dahil ako yung babaeng hindi kahit kailan, hindi pwedeng maging masaya."
Nasasaktan na sabi nya. Nakita nya ang pag guhit ng sakit sa muka nito at unti unti syang tumalikod dito. Nag lakad syang palayo at sa pangatlong pag kakataon na tumalikod sya ay hindi na sya nito hinabol, sabay non ang pag ka wasak ng puso nya ng paulit ulit. Ganito lang s'ya lagi, masasaktan at masasaktan upang sumaya ang kanyang ina. Atleast mapasaya nya ang mommy nya kahit masaktan sya ng paulit ulit, dahil yun lang ang importante sa buhay nya.
Hindi sya lumabas sa hotel buong mag hapon hanggang sa umaga, hindi nag tanong sa kanya si Julia kung ano nang yare at akala nya ay sasama sya nito ng pag balik ay nag kakamali sya.
"You need to be here, Gabriella is here." rinig nyang sabi ni David mula sa likod nya pero hindi nya to pinansin. "You need to eat, too. Kahapon pa walang laman ang t'yan mo." tumingin sya kay Julia na mukang nag aalala.
"I have to go. Hinihintay na ko ni Granny, take care yourself, Ayana. Call me if you need anything."
Ngumiti sya ng malungkot. "Mag iingat ka ah? Text me kung nakauwi ka na." pahabol nya.
Nang pumasok na to sa elevator ay pumasok na agad sya sa suite n'ya. Mahina syang napabuntong hininga, napahawak sya sa kaliwang dibdib nya at nararamdaman nya parin ang sakit.
Pumasok sya sa Cr upang maligo at mag damit ng maayos. Kailangan nyang makita ang bestfriend nya at ikwento ang lahat. Eto lang ang makakaintindi sa kanya.
Nang matapos syang maligo ay di na sya nag ayos. Kinuha nya ang cellphone nya upang tawagan ito kung nasaan ito.
"Nasa baba kami! Kung san kayo kumakain ng future granny mo!"
Mabilis syang lumabas at pumasok sa elevator. Tinignan nya ang suot nyang jogging pants ay isang plain tshirt at nike na tsinelas. Wala naman kasi syang balak gawin kundi mag stay sa suite nya o kaya makasama ang bestfriend nya.
Nang makalabas sya ng Elevator ay agad syang tumakbo palabas, hindi nya maiwasan mapangiti. Atleast kahit papano maalis ang sakit ng mararamdaman nya pag nakita nya ang bestfriend nya. Nang malakas syang pumunta sa dati nilang pwesto and she saw Gabriella laughting with her husband.
"Gabby!" malakas na sigaw nya.
Napatingin ito sa kanya at tumayo. "Ayana!"
Dinamba nya to ng yakap at muntik na sila matuwad. Hindi nya maiwasan maging emotional sa harapan nito. Kaya isinubsob nya nalang ang kanyang muka sa leeg nito at palihim na umiiyak.
Humiwalay sila sa isa't isa at pinunasan ng bestfriend nya ang kanyang luha. Ngumiti ito sa kanya. "Are you okay?"
"Y-yes." she lied.
"I know you're not..." may halong pag aalala ang boses nito. "Tell me, what is it?"
Hindi na n'ya maiwasan mapahagulgol sa harapan nito. Tuloy tuloy ang luha nya habang kaharap ito. Ang kinikim kim nyang sakit ay tuluyan ng lumabas sa harapan ng bestfriend nya. Walang sawa ang pag tulo ng luha nya at wala syang pakielam sa mga taong nakakakita. Nanginginig ang buong katawan nya, sa gutom at sakit.
"This is about your mom?" mahinang sabi nya.
Unti unti syang nakakaramdam ng hilo at pang hihina. Hindi n'ya alam kung ano nang yayare sa kanya basta naramdaman nalang nya na may sumalo sa kanya sabay non ang pag kawala ng kanyang malay.
"She's fine, don't worry. Nawalan siguro sya ng malay dahil sa gutom at sa nararamdaman nya. Pakainin n'yo nalang pag kagising. Pwede naman syang lumabas agad."
Unti unti nyang dinilat ang mata nya at bumungad sa kanya ang isang puting kisame. Tumingin sya sa gilid at nakita nya si David na kinakausap ang isang doctor at binibigyan ng reseta.
"Mas mabuting painom n'yo sa kanya yan, pampagana yan na kumain."
"Gising ka na." napatingin sya sa nag salita at di nya man napansin na nasa kabilang gilid pala ang bestfriend nya. "Ano? Kamusta ang pakiramdam mo?" nag aalalang tanong nito. "Bakit di ka kumakain? Kahit na may problema ka sa mommy mo dapat di mo pibabayaan ang sarili mo, Ayana! Hindi mo dapat sinasaktan o pinapahirapan ang sarili mo dahil sa kagu---"
"Gabby." mahinang tawag nya.
Kita nya ang galit sa mga mata nito at umayos ito ng upo. "What? Totoo naman ah? Hindi ka naman sana ganito, hindi ka sana nahihirapan at sana masaya ka ngayon." umiwas lang sya ng tingin dito.
"Wife, enough. Kailangan nya ng kumain." pag babawal ni Saimon dito.
Bumalik sila sa kinainan nila at don silang kumain na sabay sabay at tahimik. Silang apat lang ang nandito dahil wala pa daw ang iba nilang kaibigan. Busy naman daw si Mel sa pag aayos ng gown para kay Mj.
"A-asan ang mga anak mo?" tanong nya kay Gabriella pero hindi sya nito pinansin. Napakagat nalang sya ng labi at nag simulang kumain muli.
"Drink your medicine." malamig na sabi ni David sa kanya.
Binigay nito ang gamot nya at tinanggap nya naman. "Thank you." mahinang sabi nya.
"Pag katapos mong kumain, mag pahinga ka sa suite mo. Di ka pwedeng mag pakapagod." bilin pa ulit nito sa kanya.
Tumingin sya kay Gabriella na seryosong kumakain. Inubos na nya ang pag kain nya at saka sya nag paalam na babalik na sya suite nya. Pumasok sya sa hotel at nag tuloy tuloy papasok sa elevator. Mag sasara na sana ito pero may kamay na humarang, nagulat sya ng biglang pumasok si David pero agad syang nag iwas ng tingin.
"Are you okay?" tumingin sya dito.
"Diba sabi ko nam---"
"Wala akong pakielam, Ayana. Ikaw ang pinag uusapan dito at di ko kayang manahimik, Ayana." umiling sya dito.
"Lumayo ka sakin, David. Wala kang mapapala sakin." seryosong sabi nya.
"Kahit itulak mo ko palayo, kahit sabihin mo na hindi mo ko gusto, kahit saktan mo ng paulit ulit, Ayana. Hindi ako lulubay hanggang di ka nagiging akin."
~