"Niloloko mo ba ako?" Seryosong tanong ni Victoria sa kaharap. "Hindi, bakit naman kita lolokohin? Nagsasabi ako ng totoo. Ako ang guardian angel mo. Pinadala ako rito upang bantayan ka. Lagi mo akong kasa-kasama mula pa noong isilang ka at hanggang mawala ka na dito sa mundo ngunit kailangan kong mag-full-time guardian ngayong mag-uumpisa na ang misyon mo. Kaya huwag ka na magduda, magkakampi tayo. Okay?" Mahaba nitong paliwanag habang sige sa pagsipsip ng kendi na nasa loob ng kanyang bibig. "Eh paano ka nakapasok dito sa silid?" Sunod niyang tanong. Animo'y ini-interrogate ang estrangherong basta na lamang doon sumulpot. "Sa bintana!" Malakas niya sagot at saka nanguha muli ng kendi sa garapon at binuksan matapos nguyain ang dalawang nauna. "Teka-" Ani Victoria at biglang may naala