Sampung taon na ang nakalipas at ganap nang dalaga si Victoria. Sa kanyang ika-dalawampu't tatlong kaarawan ay dalawang regalo ang natanggap niya mula kay Akila. Ang isa ay maleta na puno ng mga armas na inihanda niya talaga para sa araw na iyon. Mga armas na kanya mismong ginawa mula sa paukit at pagpapanday. Ang mga armas na iyon ay hindi lamang armas na may talim at nakamamatay dahil may basbas iyon ng simbahan at luha ng milagrosang birhen na hinanap niya pa upang matiyak na ang mga iyon ay ang mga armas na siyang gagapi sa pitong demonyong nagtatago mismo sa iba't-ibang parte ng Pilipinas na siyang lumulunod sa ang mga tao sa pitong mga nakamamatay na kasalanan.
Pitong armas na may karapat-dapat na pagtatarakan. Bawat isa ay nararapat na paggagamitan. Espesyal lamang na ginawa upang maging instrumento't sandata niya upang bigyang pag-asa ang mga taong niyakap na ang kadiliman. Ang misyon niya ay iligtas sila at pigilan mapunta sa nag-aalab na apoy ng impyerno ang mga kaluluwang ito't maging pagkain ng mga nagpapalakas na diablo.
Ang isa pang bagay na binigay niya sa dalaga ay ang matagal na niyang pinakaiingatan. Ang talaan ni Diana na ibinilin nito sa madre upang ipasa sa kanyang apo na magiging daan upang di maganap ang mga premonisyong kanyang mga nakita noong siya'y nabubuhay pa. Sa talaan din nakasulat ang mga eksplanasyon sa mga bagay na posible niyang makaharap at kung papaano ang dapat gawin sa mga sitwasyon ganoon.
"Ano po ito?" Takang tanong ni Victoria matapos abutin ang kahong gawa sa kahoy na sunod na ibinigay ng madre sa kanya. Imbes sagutin, sinabi niya ritong buksan iyon at nang buksan niya nga ay tumambad sa kanya ang talaan na sa kwento lamang ng madre n'ya naririnig sa loob ng sampung taon.
Niluma na ito ng panahon. Bakas ang mga mantsa ng tinta mula sa ballpen na ginamit sa pagsulat sa pahina.
"Ito na po ba ang talaan ni Lola Diana?" Gulat na tanong ni Victoria. Hindi siya makapaniwalang hawak na niya ang talaan na siyang sagot at kaligtasan ng mga nakararami.
"Oo at ipapasa ko na saiyo." Sagot agad sa kanya ng madre nang nakangiti.
Nanginginig pa ang mga kamay ni Victoria habang hawak ang mismong talaan at binubuklat nang maingat ang mga pahina dahil sa takot na baka mapunit ang manipis nang mga papel. May mga nakasulat na pangalan ng mga taong hindi niya kilala, ilustrasyon ng mga makakatakot na nilalang. Lahat ng mga nakasulat ay nakakagimbal, hindi lang ang mga ginuhit na larawan kundi pati ang mga kaganapan.
Nakasulat ang eksaktong petsa, oras at lugar kung saan magaganap. Tapos na ang ibang naroon, at mula sa may nakalagay na itinuping papel hanggang sa dulo niyon ang hindi pa.
"Dito po ba?" Seryosong tanong ng dalaga sa madre. Oo, anito. Halos kalahati pa ng nasa talaan ang magaganap.
Sinara niya ang talaan at muling tinago sa loob ng aparador niya.
Para sa taong hindi kilala at alam ang kakayahan ng kanyang Lola ay tiyak na hindi maniniwala. Baka nga pagtawanan pa nila ang mga nakasulat sa bawat pahina.
Alam ni Victoria na iyon na ang pagsisimula at kailangan na niyang bumalik sa bansang kanyang sinilangan upang umpisahan ang misyong sa kanya'y nakaatang. Isang katahimakan ang sa kanilang dalawa'y namagitan. Nag-aalangan siyang magtanong at kinakabahan. Gusto niyang itanong kung sasamahan ba siya nito ngunit sa isip niya ay alam na niya ang sagot.
"What are you thinking Vee?" Tanong bigla sa kanya ng madre nang ilang minuto na ring mula nang huling may sinabi siya. Tinawag siya nito sa kanyang palayaw, ibig sabihin ay gusto nitong maging komportable siyang magsalita sa kanya kung anuman ang mga bagay na nasa isip niya.
Inangat niya ang ulo at nilingon ito na nakatayo lang sa di kalayuan kung saan siya nakaupo.
"I'm just wondering if I will be going alone or you'll be coming with me." Sagot niyang halos pabulong.
Nalungkot ang madre nang marinig iyon, dahil hindi niya magagawang samahan ito roon. Maraming mga bagay na dapat niyang asikasuhin ngunit alam niya kapag natapos ay maari siyang sumunod. Ayaw niya lang bigyan ito ng sagot ngayon dahil baka di niya magawa nang agaran at umasa lang ito.
"I can't." Maikling sagot niya.
"I know." Sambit naman ni Victoria.
Gaya ng inaasahan niya.
Bagsak ang mga balikat na umiwas na lamang siya rito ng tingin. Alam na kasi niya ang dahilan kung bakit. Marami siyang trabaho at hindi niya maaaring iwan.
"Naiintindihan mo naman kung bakit, hindi ba?" Tanong sa kanya ng madre.
"Yes, but I still want you to come with me if possible." Malungkot niyang sagot. Matanda na rin kasi ang madre at ayaw niyang maiwan ito ng mag-isa lang sa Japan.
Niyakap na lamang siya ng madre upang kahit papaano ay mabawasan naman ang lungkot na kanyang nadarama. Yumakap rin ito sa baywang ng madre at hinigpitan ito. Hinaplos nito ang buhok ng dalaga na gaya ng ginagawa niya noong bata pa ito sa tuwing nalulungkot at hinahanap ang kalinga ng kanyang ina.
Hindi ito nagsasabi kung ano ang problema sa iba. Sa kanya lang siya nagkukwento at isang yakap lang nito at paghaplos sa buhok ng ilang minuto ay kumakalma na at gumagaan ang pakiramdam pagkatapos.
Dumating na ang araw na kanyang pag-alis. Nakaayos na ang lahat ng mga dadalhin niya ngunit ang mga kasama nila sa bahay ay halos ayaw ipasok sa sasakyan ang mga bagahe ni Victoria. Natatawa na lamang ang madre sa mga itsura nila dahil para silang mga bata na gustong sumama at humabol.
"What's wrong with you guys?" Natatawa at naguguluhang tanong niya sa kanila.
Sabay-sabay pa silang sumagot at sinabing wala raw ngunit base sa maukha nila ay meron.
"Okay, but incase someone wants to come with me, just tell me right away so I can fix a seat." Pabirong sabi niya ngunit hindi niya inaasahan na agad silang magre-react at magtataas ng kamay.
"Jodanda!" Pilyang bawi niya. Biro lang daw at awtomatikong bumalik sa malungkot na mukha ang mga itsura nila.
Sampung taon din naman. Naging mag-asawa na nga ang dalawa sa mga kasama nila sa bahay. May anak silang lalaki na siyam na taong gulang na ngayon at siya ang kasa-kasama ni Victoria sa pangangabayo madalas. Maging sa pagsasanay niya ay naroon ito, nagmamasid at nagpapaturo kung minsan. Parang magkapatid na sila at nasa eskwelahan ito nang araw ng pag-alis niya.
Tiyak silang lahat na hahanapin ng bata si Victoria pag-uwi nito galing eskwelahan at tiyak rin silang magwawala ang bata kapag nalaman na umalis ang O nechan na hindi man lamang sa kanya nagpapaalam. Sinadya nilang hindi ipaalam sa bata dahil baka ipagpilitan nito sa kanila na isama na lamang siya, ngunit sa pag-alis niya sila naman ang nakakadama ng ganoon. Gusto nilang sumama sa dalaga.
Iniutos na ng madre na ipasok na sa sasakyan ang mga gamit nito kaya wala na silang nagawa kundi ang sumunod. Pinagmamasdan ni Victoria ang bawat kilos ni Akila at alam niyang nagpapanggap lamang ang madre na okay lang siya. Nakikitawa at ngumingiti ngunit iba ang nababasa niya sa mga mata nito. Ayaw niya lang ipahalata ngunit kanina pa napapansin ni Victoria ang maluha-luhang mga mata nito at iniiwasan magtama ang mga paningin nila.
Ang usapan nila ay ihahatid siya nito hanggang sa paliparan ngunit biglang nagbago, sa mismong huling minuto.
Ayon dito ay may biglaang problema kaya kailangan niya asikasuhin. Nagsinungaling lang ito, alam ng lahat iyon at tiyak na mamaya lang ay magkukulong ito sa kanyang silid upang magdasal at humingi ng tawad sa ginawa niyang pagsisinungaling.
Ayaw lang niya makitang umalis ang alaga dahil iiyak lang siya. Ang pag-alis kasi nitong iyon ay baka huli na rin nilang pagkikita. Paano niya nasabi? Nakasulat sa talaan na inalis niya upang hindi makita ng dalaga.
Tanggap na niya iyon at di kagaya ng ibang nakasulat doon, ang paraan ng kanya ay hindi mapipigilan.
Nang makaalis ang dalaga, bumalik na ang lahat sa kani-kanilang mga trabaho. May isa lamang naiwan kasama ang madre sa labas at nilapitan niya ito.
"Tara na po." Yaya niya at saka inalalayan ang madre papasok ng bahay.
Walang kaalam-alam ang mga magulang ni Victoria sa kayang pag-uwi, kahit nagkakausap sila sa telepono madalas ay hindi niya binanggit na malapit na siyang bumalik. Gusto niyang supresahin ang mga ito ngunit nakalimutan niyang sa araw palang iyon ay may may kaganapan na nakatala at kailangan niyang mapigilang maganap.