Pantalong itim at itim na jacket. Sinuot na niya ang bagpack na may laman na ilang pirasong shuriken bilang armas, ang talaan na ayaw niyang basta na lamang iwan kung saan at ilang pirasong smoke bomb na pinaliit at kasinglaki lamang ng jolen sa loob ng kanyang bulsa ang kanyang dala. Itinago niya ang dalawang maliit na kutsilyo sa magkabilang medyas bago lumabas ng sasakyan at iniwang nakakubli sa isang lugar na matalahib ang sasakyang ginamit upang hindi makita ng sinumang daraan. Pambublikong kalsada kasi iyon at tiyak niyang meron at meron daraan sa kalsada. Kapag nakita nila ang saksakyang nakaparada na di pamilyar ay tiyak na sila'y magsuspetsiya. May mga kabahayan pa naman sa taas ng bundok at sa mga nadaanan niya at tanging sa may paligid lamang ng abandonadong eskwelahan ang wala