V

1464 Words
Umalis muna ang madre, nagpaalam na aayusin niya ang mga papeles ng bata at ang pasaporte. May kinausap itong tao mula sa telepono na nagtatrabaho sa embahada mula pa sa Japan. Sunod ay tinawagan ang isa pang numero upang ipaasikaso ang ilan pang bagay na kaniyang kailangan. Habang wala ang madre ay naisipang ayusin ni Beatrice ang mga gamit ng anak. Kinuha ang mga bagay na gusto niyang dalhin nito roon at ilang mga pares ng malilinis na damit na maisusuot nito. Iniwan niya munang magkasama ang kanyang mag-ama sa kusina at naghahanda ng makakain para sa kanilang hapunan. Dinig na dinig niya mula sa silid na kinaroroonan ang mga boses nila na masayang tumatawa habang naghaharutan. Masaya s'yang muling madinig ang mga hagikgik nito na huli niyang narinig noong ang anak ay sanggol pa lamang. Natutuwa na naluluha. Ito ang mga emosyong naghahalo sa kanyang kalooban. Hindi niya alam kung makikisabay sa pagtawa ng kanyang mag-ama o di kaya'y iiyak dahil iyon na rin ang huling beses na maririnig niya ang pagtawang iyon. Hindi kasi sinabi sa kanila ng Madre kung gaano katagal mawawalay sa kanila ang nag-iisang anak at kung may pagkakataon pa bang muli nila itong makikita't makakasama ng matagal. Sa kanyang pag-iisip ay hindi na niya namalayan ang pagdating ng anak. "Ma?" Nadinig ni Beatrice na pagtawag nito sa kanya mula sa pintuan. Agad siyang nagpunas ng mga luhang umagos nang di niya namamaalayan. Ilang beses muna siyang huminga nang malalalim para pakalmahin ang sarili bago sagutin ang pagtawag ng anak at hindi pa man siya nakakasagot ay nakapasok na ito ng tuluyan sa silid. Lumapit ito sa kanyang tabi at agad tinignan kung ano ang ginagawa nito sa mga gamit niyang nagkalat sa ibabaw ng kanyang kama. "Bakit 'yan Ma? Aalis po ba tayo?" Malambing na tanong ng bata. Kita ang kinang sa kanyang mga mata nang makita ang malaking maleta at ilang damit niyang naroon na sa loob. "Oo anak, pero hindi kami kasama ng Papa mo e." Diretsahang sagot ni Beatrice sa bata na hindi niya magawang malingon nang mga oras na iyon. "Ano pong ibig niyong sabihin?" Takang baling niya sa Ginang na hindi pa rin siya matignan. "Basta anak, sumama ka muna sa kanya. Masaya naman doon at mas ligtas para sa iyo. Gusto mong maranasan sumakay sa eroplano hindi ba? Isasakay ka niya sa eroplano kapag sumama ka." Sagot ni Beatrice sa kanyang anak. Nahinto lang siya kaunti at nagpatuloy na rin sa pagsisilid ng mga damit. Alam niya kung gaano kagusto ng anak na maranasan sumakay sa sasakyang panghimpapawid. Madalas kasing natatanaw niya ang mga dumadaang mga maliliit na eroplano sa kanilang bakuran at sa gabi nama'y nakikita niya madalas ang kumikislap na mapulang ilaw sa madilim na kalangitan na kanyang sinusundan ng tingin hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin. Mas lalong umaliwalas ang mukha ni Micaela nang marinig ang eroplano. Animo'y musika sa kanyang pandinig at ang una niyang naitanong sa ina ay saan sila pupunta. Bakas sa boses pa lamang ng bata ang labis na kagalakan dahil sa wakas ay makakalabas na rin siya ng kanilang tahanan. Makakapunta sa malayu-layong lugar, makakakita ng ibang tanawin. Unang beses niya pa lamang nadama ang ganoong kasiyahan. Pakiramdam niya'y nabigyan siya ng kalayaan. Nawala ang takot na nasa kanyang dibdib na matagal na panahon niyang bitbit at kay hirap maalis. "Sa Japan anak. Maganda roon. May panahon na umuulan ng nyebe at tiyak akong magugustuhan mo." Sagot ng Ginang. Pilit niya talagang iniiwasang mapatigin sa mga mata ang kanyang anak dahil baka mapaluha nanaman siya agad. Ayaw niya ring kasing makita nito ang malungkot niyang mga mata at baka magbago pa ang isip nito't hindi na sumama. Kakayanin nila at titiisin dahil mas mabuti na ang malayo sa kanya kesa naman makakasama nga nila ngunit nasa panganib naman ang kanyang buhay at hindi niya mapapatawad ang sarili kung mapahamak ito sa piling nila. Sa madre naman na nagmula na kilala niya ang tiyahin ni Beatrice na si Diana at mapagkakatiwalaan siya ng mga ito. Napatunayan niya na rin kanina kung ano ang kaya niyang magawa para mabigyan proteksyon si Micaela. Pinaliguan at binihisan niya ang anak. Pinasuot ang pinakamaganda nitong bestidang bulaklakin na hindi pa nito nasusuot. Ayaw man ni Micaela na tulungan siya ng ina dahil malaki na siya ay nagpumilit ito. Nasanay kasi ang Ginang na ganoon ang ginagawa dahil madalas tulala ang anak at siya ang nagpapaligo at nagbibihis rito. Iyon na ang huling beses aniya. Nang matapos ay saka lumabas ang mag-ina sa silid. Hila na ni Beatrice ang maleta nito. Nasa labas ang madre at naghihintay at nginitian ang bata nang siya lapitan. Kita sa mga mata na hindi na ito makapaghintay na maranasan ang mga bagong bagay sa buhay niya. Matagal din siyang nakakulong lang sa kanilang bahay. Kinausap muna ng mag-asawa ang kanilang anak. Binilinan ng mga dapat gawin at magpakabait, kahit alam naman na nilang natural na mabait ang anak. Mami-miss nila ito ng sobra. Nangako na susulat sila sa anak dahil nakuha naman na nila ang address sa madre kahit pa hindi pa marunong magsulat ang magbasa ang kanilang anak. "Ako na ang bahala. Makukuha niya ang pinakamaayos na kalidad ng edukasyon at titiyakin kong ligtas siya sa bawat segundo ng kanyang buhay." Ito ang pangakong iniwan ng madre sa kanila. Umalis na sila lulan ang magarang sasakyan. Nakasilip ang nakangiting si Micaela sa bukas na bintana ng sasakyan habang kumakaway sa kanyang mga magulang hanggang sa mawala na ang mga ito sa kanyang paningin. Nilanghap niya ang hangin sa paligid. Binalikan niya ng tingin ang kanilang bahay kahit pa medyo masakit sa balat ang tumatamang ang mga hibla ng buhok sa kanyang mukha. Pinaupo siya nang maayos ng madre, pinakabit ang seatbelt nito dahil baka hulihin daw sila ng pulis kapag nakita itong di suot. Dalawang oras ang kanilang byahe. Nakatulog na si Micaela sa kanyang kinauupuan. Sa isang malaking hotel muna sila tumuloy. May hinihintay pa kasi ang madre. Wala pa ang pasaporte ng bata at kailangan nila iyon sa lalong madaling panahon. Tinawagan niya ang taong kinausap niya kanina upang ayusin at sinabing patapos na raw siya sa pag-aayos at ipapadala na nito agad kapag natapos. Inasahan ng madre na bukas na iyon darating kaya naman natulog na muna siya. Tumabi sa batang nagising lang nang dumating sila sa hotel at nang makakita ng mahihigaan ay muling natulog. Nagising ang madre dahil sa mga katok sa pinto. Nilingon niya ang bata at nakitang mahimbing pa rin ito sa pagtulog. Nag-ayos muna siya bago harapin ang taong nasa labas dahil may alituntuning sinusunod ang mga madreng kagaya niya lalo na sa mga kasuotan nila. "Good morning! Sister Akila Kowamoto?" Patanong na bati ng lalaking nasa harap niya. Bell boy ito sa hotel at naroon upang magdeliver ng dumating na package. "Yes, it's me." Sagot ng madre. Inabot ng lalaki ang envelope na hawak niya at nagpaalam na rin pagkatapos makuha ng madre. Nag-English siya dahil ayaw niyang ipaalam na marunong siyang magtagalog at dahil mukha siyang Haponesa ay madali niyang mapaniniwala ang mga taong nasa kanyang paligid. Si Diana ang nagturo sa kanya ng Filipino dahil ang talaan nito ay nakasulat sa linggwaheng iyo at paulit-ulit niyang sinasabi sa madre na balang-araw ay iiwan niya ang talaan sa kanya. Iyon nga ang nangyari. Alam niya lang noon ay mahilig itong masulat kapag nag-iisa at hindi niya alam na marami itong mga premonisyon na nakikita. Nang mabasa niya ang talaan nito at masaksikan ang ilang mga nakasulat sa kanyang mismong harapan ay mas lalo siyang naging malapit sa Diyos at naging madasalin. Sa kanilang lahat kasi na mga madre na nasa kombentong iyon, siya ang pinakapasaway. Tinataguan niya ang kanyang ama sa tuwing dadalaw dahil gusto siya nitong kunin at pahintuin sa kanyang ginagawang pagsisilbi sa Diyos. Nag-iisang anak kasi ito at walang magmamana ng kanilang negosyo kapag pumanaw na ang matandang Hapon. Isa sa mga premonisyon ni Diana ay ang pagkamatay ng ama ni Sister Akila. Hindi na niya nagawang makita ang ama niya't makausap ngunit ang mana ay lahat napunta sa kanya. Wala na noon si Diana at wala na rin ang kanyang ama. Binigyan siya ng kombento ng bakasyon at doon niya naisipang umuwi sa kanila. Sa loob ng isang buwan na nasa labas ng kombento ay nakadiskubre siya ng bagong pagkakaabalahan. Ang negosyo ng kanyang ama ay bakal, paggawa ng mga robot at iba pang electronics. Nahilig siya sa paggawa ng armas na patago niyang ginagawa sa kanilang underground at ang mga iyon ay ginawa niya base sa mga deskripsyon sa talaan na isinulat ni Diana. May isang sangkap na lamang na kulang upang ang mga iyon ay mabasbasan at si Micaela ang may hawak at alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD