Chapter 13

1747 Words
Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Giovanni. Pirmado na ang mga papeles. May madadaanan na rin ang mga truck na magpaparoon at paparito, kompleto na rin ang mga equipments na nabili ng kaniyang mga tauhan at wala na ang mga sabagal na mga kabahayan malapit sa bundok. Linggo pa lamang ng hapon ay tinawagan na siya ni Congressman upang ipabatid sa kaniya na wala na siyang puproblemahin. Natuwa naman ang bilyonaryo sa mabilis nilang aksyon at matapos nilang mag-usap ay roon na natanggap ng Congressman ang milyon-milyong halaga ng salapi. Halos mapahiyaw ito sa tuwa nang makita ang notification na natanggap niya sa kaniyang cellphone galing sa kaniyang mga sekretong bank account. Higit nang makita niya ang halaga ng bawat isa na talaga namang nakakalula. Ang ibang mga banko ay sa kaniyang mga anak nakapangalan upang hindi gaanong halata. Ang ibang halaga ay direkta sa kaban ng kanilang bayan na siyang makukuha ng gobyerno di kalaunan. Gayunpaman, sigurado na ang kanila ng kaniyang mga kaalyado. Nagpasya kasi silang, sa Congressman na lamang nila ipadaan ang pera at mula sa kaniya ay i-de-deposito naman papunta sa mga banko nila. Mas malaki ang huli na kanilang makukuha kumpara sa una nilang nakuha sa advance payment ni Giovanni. Tiba-tiba silang tunay. Silang mga opisyal ay masaya habang napakaraming mga kababayan nilang umiiyak dahil nawalan ng bahay at kabuhayan. Naisip na ni Congressman na bigyan sila ng ayuda na halagang tatlong libo bawat pamilya na hindi naman kalakihan kapag na-total ang lahat. Barya lang kung tutuusin at hindi naman niya kukunin sa kaniyang pera kundi sa pera ng kanilang munisipyo mismo. Napakautak hindi ba? Alam ni Giovanni ang simula pa lamang na ganito ang magiging takbo ng negosasyon niya sa kanila ngunit kahit na alam niya ay itinuloy niya pa rin. Wala naman siyang nilalabag na kahit ano. Kurakutin man nila ang bilyong halaga ng salapi na binayad niya ay wala na siyang pakialam doon. Ang mahalaga sa kaniya ay maumpisahan na ang mina at nang mabawi niya sa lalong madaling panahon ang kaniyang pinuhunan. Hindi lang naman kasi ang bundok ang kaniyang binili. Binili rin niya ang pinakamalaking pabrika ng bakal at pinangalanang Romanov’s Steel. Bumili rin siya ng ibang sangkap na kakailanganin upang makapag-produce na bakal. Hindi lang naman nickel ang kailangan para makagawa ng produkto mula sa mineral na ito. May mga proseso pa na dapat daanan at mga makinarya na kakailanganin. Malaki ang sakop sa merkado ng mga bakal kaya ito ang napag-interesan niya sa lahat ng research proposal na inilatag ng team na kaniyang binuo. Essential ang nickel sa mga Cars and Construction Industries, pati na sa Aerospace, Marine at Military Work, maging sa Electronics, sa paggawa ng mga barya at Electroplating. Kaya naman wala siyang nakikitang butas para malugi ang kaniyang bagong negosyo. Nang araw na iyon ay malakas na mga busina ang gumising sa mga taga-Sta Cruz. Bukod sa ingay ay makapal na alikabok din at usok ang iniiwan ng mga dumadaang malalaking sasakyan. Tatlong Elf truck na may sakay na mga minero, sampung Dump truck, limang Excavator at tatlong van na magkakasunod ang dumaan sa harapan ng bahay ng matandang guro kung saan inayos at pinalawak nila ang daan upang kasya ang dalawang sasakyan nang sabay at kahit pa magkasalabong. Ang dating daanang lupa na mga tricycle lang ang naririnig na maingay sa tuwing daraan ay nadagdagan ng naglalakihang mga truck. Tuloy nang talaga ang pagmimina sa kanilang probinsya at tila di na mapipigilan pa. Marami ang dumadaing. Lumapit sila sa kanilang mga konsehal at kagawad upang mabigyan man lang sila ng kaunting tulong. Nangako naman sila na tutulungan sila at ipapararating sa alkalde ang kanilang hiling. Halos wala na nga silang pahinga dahil nang dumating sila galing Boracay nang gabi ng Sabado, kinabukasan araw ng Linggo ay dinumog ang kani-kanilang mga bahay ng mga tao at dahil araw ng Linggo ay sarado ang munisipyo upang iparating nila sa pinakamataas na opisyal ang kanilang mga daing. Sa kasalukuyan ay nasa isang lugar muna sila. Magkakasama ang apatnapu’t limang pamilya. Binigyan sila ng mga tent na pansamantala nilang masisilungan na ipinadala ng kaniyang bise alkalde. Ito ang pabor na hiniling niya sa kaniyang kaibigan na agaran naman nitong ginawan ng paraan matapos nilang makapag-usap nang gabing iyon. Papunta sa Giovanni sa minahan dahil mayroon pang maikling seremonyas silang inihanda para sa binatang bilyonaryo. On the way na sila ni Amir. Sakay muli ng kaniyang Eurocopter at si William ulit ang kanilang piloto. Maaga siyang dumating sa araw na iyon matapos siyang pagsabihan ni Amir. Nangako naman siyang di na mauulit at nang tawagin nga siya ulit upang ipagmaneho ulit sila ay maaga siya kesa sa inaasahan nina Gio at Amir. Ala sais ang usapan ngunit ala singko trenta'y dos siya dumating. Natatakot daw siya makagalitan. Paano ba naman kasi, tinakot siya ni Amir na iba kung magalit ang kanilang bossing. Bago ang oras na napag-usapan ay umalis na sila sa Bacoor, Cavite. Ganoon din ang itinagal ng oras ng kanilang biyahe. May nadagdag lang na ilang minuto dahil dumiretso na sa Sta Cruz upang doon na lumapag para malapit sa bundok. Binigay sa kanila ang lokasyon kung saan may open space. May naghihintay na sa kanila roon na isang magarang sasakyan na kabibili lamang ni congressman gamit ang perang kinita niya sa pagbebenta ng minahan. Hindi kinita, sabihin na lang nating binulsa. Talaga naman, hindi na makapaghintay lustayin ang salaping kanilang nakuha. Si mayor naman ay nabilhan na ng milyong halagang bag ang kaniyang pangalawang asawa. Bukod sa bag ay binigyan niya rin ng pera upang gamitin nito sa pagpunta sa Hong Kong upang doon mag-shopping kasama ang kaniyang mga amiga. Isa sa mga amiga niya ang asawa ni congressman na mas matanda sa kaniyang maybahay ngunit nagkakasundo sila pagdating sa nga luho at mga mamahaling mga bagay. Ang totoo nga niyan, ang misis niyang si Corazon ang nagpalapad ng pangalan niya sa congressman kaya sila naging magkaalyado. Kaya naman lahat ng hilingin ni Corazon ay agad niyang ibinibigay. Nakalapag na sila. Palabas ni Giovanni sa helicopter ay natanaw niya ang dalawang lalaking lumabas sa sasakyanf nakaabang. Parehong amerikana ang suot at sa kahit malayo ay kaniya alam niyang hindi iyon mga branded. Nang nakalapit ay nasipat niyang gusot pa ang suot ng isa na para bang hindi napasadahan ng plantsa. Sa kamamadali siguro ay hindi na naharap. Hindi rin naman mukhang nalukot lang dahil sa kaniyang pinagsandalang upuan. Mukhang may kausap ang isa. Nasa tainga nito ang kaniyang cellphone. Tinawagan lang naman niya ang congressman upang ipaalam na nakarating na ang kanilang importanteng panauhin. "Sir, narito na po sila," anunsyo nito. Dinig ni congressman sa background ang tunog ng makina ng sasakyang panghimpapawid na sinakyan ng binata. "Mabuti naman kung ganoon. Dalhin n'yo na sila sa site para masimulan na ang ribbon cutting," utos sa kaniya ng ginoo. "Masusunod po congressman," sagot agad ng lalaki at in-end na ang tawag. Mabilis niyang sinenyasan kasama niya na pagbuksan ng pinto ang binatang palapit na sa kanila. "Magandang umaga, sir!" bati nilang sabay ngunit hindi bumati pabalik ang binata sa kanila. Diretso na itong pumasok sa bukas na pinto ng brand new na kotse. Sinara agad ng lalaking may hawak ang parte kung saan pumasok si Giovanni at ang lalaking may kausap sa cellphone kanina ay binuksan naman ang kabilang side upang pasakayin si Amir. Nang makasakay ang dalawang lalaking sumundo sa kanila ay humayo na rin si William. Tatawagan na lamang siya ni Amir kung siya ay kailangan. Sa national highway sila dumaan. Naabutan nila ang mga truck na papunta sa iisang lugar at makalipas ang ilang minuto ay napahinto ang mga sasakyan na nasa kanilang unahan dahil may mga taong humarang sa daraanan. Nag-ra-rally ang mga ito. Kaniya-kaniya sila ng hawak na mga cartolina na may nakasulat na h'wag simulan ang minahan dahil masisira ang kalikasan pati na ang buhay ng mga maralitang mamamayan. Iyon ang grupo ng mga environmentalist na kinabibilangan ni Alessia. Lahat sila ay naroon at sinamahan sila ng mga mamamayang pina-demolish ang mga bahay at tinabunan ang mga palayan. "No to Mining! No to Mining!" paulit-ulit nilang sigaw. "Anong nangyayari?" usisa ni Amir nang bigla silang huminto. "Mukhang may nag-ra-rally po, sir," sagot ng isa sa mga nasa harap. Binaba ni Amir ang bintana sa kaniyang tabi at mula roon ay narinig niya ang mga sigaw ng mga tao. "May rally nga," kumpirma niya at sinara na niyang muli ang bintana. Nang marinig ni Giovanni iyon ay awtomatikong nagsalubong ang kilay niya. "Call congressman, ASAP!" inis niyang utos kay Amir. Dali-dali naman niyang tinawagan ito ngunit ang numero ay busy. "Call the mayor!" kaniyang sunod na utos at sinunod naman agad ni Amir. Nag-ring naman agad ang cellphone ng huli niyang tinawagan at nang sagutin nito ay agad sinabi ni Amir kung anong mayroon sa harapan nila nang mga oras na iyon. "I-inaayos na po namin, pasensya na po sa aberya. Walang mga permit ang mga iyan kaya hindi sila magtatagal sa lugar na iyan," hingi nito agad ng pasensiya. "Sa ibang ruta na lang po kayo dumaan. Maari po bang makausap ang drayber sandali?" dugtong niya pa at inabot ni Amir ang kaniyang cellphone sa may hawak ng manibela. "Yes, po. Oho, sige ho," magalang na sagot ng drayber sa nasa kabilang linya. Binalik na siya kay Amir ang cellphone at dali-daling ipinihit ang manibela at pinaandar ang sasakyan. Dahil alam na ang dalawang pasahero nila kung saan sila papunta ay hindi na sila nagtanong kung bakit sa iba na ito dumaan. Baku-bako ang daan dahil mabato. Gumigewang sila at ilang beses na ring nauntog ang ulo nina Gio at Amir. Naiirita ngunit hindi na lamang siya nagreklamo. Mas mainam na iyon kesa matengga sila sa gitna ng highway at walang kasiguraduhan kung kailan makakaalis doon. Samantala, ang mga kasama ni Alessia sa rally na iyon ay nagbaon pala ng itlog at mga hinog na kamatis. Pinagbabato nila ang windshield ng mga naglalakihang truck na kanilang hinarang sa kalsada. Kahit hindi naman natatamaan ang sakay na pahinante sa loob at drayber ay nagigitla sila sa tuwing mayroong tumatama. Nakagugulat naman talaga lalo na kung hindi mo alam kung saan manggagaling ang mga iyon. Isa sa mga nambabato ay si Alessia. Bato sabay sigaw na alis ang kanilang ginagawa. Panay busina ang mga malalaking truck at maging ang ibang mga sasakyan ay naabala. Pinadadaan naman ng mga nag-ra-rally ang mga pribadong sasakyan ngunit dahil marami sila ay pahirapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD