Chapter 31 Masaya kaming bumalik sa mainland, sa tatlong araw naming magkakasama ay alam kong kahit kaunti lang ay napalapit ang loob ng mga kaibigan ko kay Travis at Grey, ganoon rin naman sila. Agad akong naligo at nagbihis matapos naming makabalik sa Sapphira Tenshou, paglabas ko ng banyo ay bumungad sa akin si Travis na halatang katatapos lang rin maligo dahil basa ang buhok. "Ganyan ba talaga kayong babae? So slow in taking a bath." "Aba, kasalanan ko ba? Aber, meron ka naman kasing lungga. Bakit andito ka na naman?" Pagtataray ko. "Do I need a reason why?" He whined. Akmang sasagot sana ako kasu biglang nag-ring ang phone ni Travis sa kanyang pocket, I gestured him to answer it which he did. "Grey? What?" Kumunot ang noo ni Travis, hindi naka-loudspeaker ang phone kaya hindi ko