Chapter 30 Matapos kami mag-lunch ay tumambay kami sa likod ng resthouse, sina Ethan at Trisha ay naliligo sa pool, si Blue naman ay nagbabasa ng nobela, sina JM, Grey, at Vivien naman ay naglalaro ng card game. Tumingin ako kay Travis na nakatingin sa kawalan, mukhang may malalim siya na iniisip. "Oy." Sinundot ko siya sa kanyang tagiliran kaya naman napatingin siya sa akin. "Hmm?" "Bakit mo naisip na bumisita dito sa isang private island?" Tanong ko. "I just want to rest in a place where I won't have to think of my problems." Sagot naman niya sa akin, "you're lucky to have friends like them." Ngumiti siya habang nakatingin sa mga kaibigan ko na halatang masaya. "Why not join them?" I laughed. "Why not you join them?" "I think I'll pass." Sagot ko at tumayo na. "Kuha lang ako ng m