Chapter 29 Nasa loob na kami ng bangka na malaki at high class, si Travis ay nakapang vacation pants at pawad kaya kitang kita ang matitibay na muscles ng kanyang braso. "Hi, I'm Vivien Cruize." Pakilala ni Vivien kay Travis na nagpa-andar na sa makina ng ship. "I'm Trisha Macario, and this is my husband Ethan Macario." Saad naman ni Trish sabay hatak kay Ethan at halik sa pisngi. "I'm Blue. Blue Sky Lee." "Jam Maj Chaves. Cousin of Kai." Simpleng pakilala ni JM. "Travis Javierres." Sagot naman ni Travis, "and this is my brother, Grey." Turo niya sa lalakeng nagmamaneho. "Ilang oras ang biyahe, bro?" Tanong ni Blue kay Travis. "Just half an hour." Sagot naman niya, nasa gitna na kami ng dagat, mabuti na lang at classy ang maliit na cruise ship ni Travis at may shaded part, syempre