(Sa tahanan ng mga Damian, isang oras bago nakatanggap ng tawag si Pretzel mula sa ina) Narrator: Maagang nagising ang mga magulang ni Pretzel ngunit mas pinili nilang manatili sa loob ng silid upang isipin ng kanilang anak na natutulog pa sila mag-asawa dahil sa kalasingan noong nagdaang gabi. Hindi naman sila sobrang lasing ngunit parte ng pag-arte nila ang magpanggap na napadami sila ng inom upang magawa ang mga pinagtulong-tulungan nilang planuhin buong mag-anak. Planong walang kaalam-alam ang kanilang anak. Si Pretzel ang pinag-uusapan nila buong gabi ng party, dahil sa lahat ng kanyang mga pinsan na nasa hustong gulang na ay mayroon ng kanya-kanyang pamilya at siya na lamang ang bukod-tanging hindi pa. Nagtataka sila dahil ni minsan ay wala man lang naipakilala itong bilang kasin