"Guy #3, Alexander Dimitri. Musisian, composer and guitarist. Living with his single mother, walang kapatid, 35years old." Basa ni Felicity sa pangalan ng lalaking sunod nilang kikilatisin. Mabilis ang pagkilos ng mga mata niya habang binabasa ang iba pang impormasyon nakaimprenta sa bond paper na hawak niya. Tahimik lang na nakaupo si Pretzel at nakikinig sa mga sinasabi nito. "Look girl." Anito matapos suriin ang mga litratong kuha sa mga gigs at sa resto bars kung saan siya nagpeperform madalas. Inabot ang ibang pahina sa dalaga habang siya nama'y tinitignan ang iba pa. Pinapasa niya ang iba pang mga pahina sa dalaga kapag tapos na niyang basahin, naghahanap ng mga impormasyon upang makapagsabi kung saan nila ito makikita dahil wala siyang kilalang pwedeng makapagsabi kung saan. Inis