Felix's POV Oras ng trabaho at katatapos lang ng meeting ko. Isa sa mga miyembro ng board ang humarang sa'kin upang linawin ang ilang mga bagay kaya naman naiwan kami sa loob ng conference room habang ang iba'y palabas na. Ilang beses kong naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone sa loob ng aking bulsa ngunit pinagwalang bahala ko lamang dahil importanteng bagay ang pinag-uusapan namin ng aking kaharap at mukhang hindi siya sang-ayon sa napagkasunduan ng karamihan kanina. Nalinawan rin naman ito matapos kung ipaliwanag ang plano. Nagpasalamat ito bago umalis dahil sa oras na binigay ko at sa pag-alis niyang iyon ay saka ko lang natignan kung ano ang dahilan ng pag-vibrate ng cellphone ko kanina. Akala ko'y mensahe, notification pala sa isang social media sites. Dahil naka-connect lagi s